Friday, November 26, 2010

Walang magagawa ang Diyos!

Sa pag-iikot ko sa BARM ay nabasa ko ang paskil na ito ng isang Marian devotee na si Fred:

May magagawa ba ang Diyos kung tumanggi? ganito yan... May magagawa ba ang Diyos kung nais nating mapunta sa impierno? Walang magagawa si God dahil yan ang ginusto natin.
Ang paksa ng talakayan ay tungkol sa pag-Oo ni Maria (aka. Fiat of Mary) sa Lukas 1:38. Nang tanungin si Fred kung may magagawa ba ang Diyos kung tumanggi si Maria sa kagustuhan ng Diyos, iyan ang kanyang naging sagot. Ayon sa kanya, walang magagawa ang Diyos kung nais nating maimpyerno (ergo, wala ring magagawa ang Diyos kung sakaling tumanggi si Maria).

Grabe ano? Nakakakilabot. Sa kagustuhan nilang maitaas si Maria, ang kadakilaan naman ng Diyos ang kanilang hinahamak.
  • Tanong: "May anomang bagay kayang napakahirap sa Panginoon?" (Gen. 18:14).
  • Sagot ni Fred: May magagawa ba ang Diyos kung nais nating mapunta sa impierno? Walang magagawa si God dahil yan ang ginusto natin.
  • Sagot ng Biblia: "Ah Panginoong Dios! narito, iyong nilikha ang langit at ang lupa sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan ng iyong unat na kamay. Tunay ngang walang bagay na totoong napakahirap sa iyo(Jer. 32:17). "Maraming pinapasya ang tao ayon sa nais ng kanyang puso, ngunit ang layunin ng Diyos ang siyang mananayo" (Prov. 19:21).
Hindi ba kayang iligtas ng Diyos ang sinumang naisin niyang iligtas? Aba, kayang-kaya! Hindi ba't tinawag ni Pablo ang kanyang sarili na "pinakapusakal sa mga makasalanan" (1 Tim. 1:15, SND) noong hindi pa siya nakakakilala kay Cristo? Ngunit dahil ang Diyos ay "makapangyarihang magligtas" (Isa. 63:1), si Pablo ay nabago nang lubusan dahil sa biyaya ng Diyos (1 Cor. 15:10). Iniisip ko tuloy: nananalangin kaya si Fred para sa kaligtasan ng ibang mg makasalanan? Malamang hindi, sapagkat para sa kanya, "walang magagawa si God" kung nais nilang maimpyerno.

Pero linawin ko lang: Hindi ko po sinasabing lahat ng tao ay lubusang maliligtas. Tanging ang mga hinirang lamang ang maliligtas (Apoc. 17:8, 21:27). Sila ay mga makasalanan din na "nagnanais" maimpyerno dahil sa kanilang mga pagsuway at di pagsampalataya, ngunit pinili sila ng Diyos noon pa mang una upang pagkalooban ng biyaya ng pananalig nang sa gayo'y lubusan silang maligtas (Rom. 8:29-30; Filip. 1:29).

* * * * *

No comments:

Post a Comment

Commenting Rules:

1. No trolling or baiting; submit relevant responses to appropriate blog-posts.
2. No name calling, bashing, flaming or posting of any ad hominems or personal attacks or insults of any kind
3. No spamming, advertising or soliciting.
4. No littering in the comment-box (multi-posting or cross-posting).
5. No blasphemous post and no links to occultic and cultic materials and immoral sites.
6. No negative one-liners.
7. No impersonating
8. No heckling; harrassments
9. No posting in all caps; no posting in all bold letters
10. If you're posting Anonymously, please provide a name so you can be addressed properly.

*All mature, sensible, and honest comments are welcome and encouraged. Comments will be filtered by the blog-owner before granting them to be published.