Saturday, November 12, 2016

Diyos at Agham

Sa pamamagitan ng sangnilikha ay ini-uulat,
Ang kaluwalhatian Niya sa paningin ng lahat.
Walang maika-katuwiran ang sinumang tao,
Pagka’t pagka-alam natin sa Diyos ay ‘di salat.

“Walang Diyos!”, wika ng mga tampalasan,
Na ang puso’y pawang inalipin ng kasalanan.
Hamon nila’y ganito: “Sige, inyong patunayan,
Na ang Diyos niyo’y ‘di isang kasinungalingan.”

Dagdag pa nila, “‘Wag kang gagamit ng Biblia,
Bagkus ay magpakita ka ng mga ebidensya;
Ang batayan ko ay walang iba kundi syensya,
At kung ika’y mabigo, bakit paniniwalaan kita?”

Paano tayo dapat tumugon, mga kapatid ko?
Paano ba natin sasagutin ang hamong ito?
Sa paanong paraan tayo makikipag-argumento?
Dapat ba nating isangtabi ang Salita ni Cristo?

O, huwag nawa itong mangyari, mga kapatid.
Hindi ebidensya ang sa kanila’y dapat ihatid.
May Diyos, at ito’y kanilang nang nababatid.
Ang problema’y nasa puso nilang makikitid.

Ano daw ang kanilang batayan ng kaalaman?
Ito daw ay ang mga kaparaanan ng agham.
Sa mga bagay na nakikita sila’y nananangan,
Upang sila’y makasumpong ng katotohanan.

Ngunit ang disiplina ng agham ay nakasalalay,
Sa pangangalaga ng Diyos sa lahat ng bagay.
Ang sangnilikha ay may pagkakaisang tunay,
Pagka’t sinusustina ito ng ating Diyos na buhay.

Posible lamang ang agham dahil sa “pagkakaisa,”
Ng lahat ng maraming bagay na magkakaiba.
Ang saligan nito’y ang banal na Trinidad lamang,
Na Siyang Manglilikha; mismong “Marami” sa “Iisa.”

Anong rason ang maibibigay ng mga tampalasan,
Upang ang “pagkakaisang” ito ay kanilang asahan?
Sa kanilang kathang-daigdig ay walang gano’on;
Ito’y hiram lamang nila mula sa Salita ng Panginoon.

Kung gayon, hindi ang syensya ang huling saligan,
Upang ang pag-iral ng Diyos ay ating malaman.
Bagkus, ang awtoridad ng Salita ng Diyos lamang,
Ang mismong basehan ng posibilidad ng agham.

-Jeph

Ang Tula ng Isang Tupa







O Diyos, puso ko noon ay kasing tigas ng bato;
Walang pag-asa at hindi kayang magbago;
Hinding-hindi lalapit sa Panginoong Jesu-Cristo,
Malibang ang pananalig ay ipagkaloob Mo.

Ngunit ang iyong pagibig ay napaka-dakila;
Sapagkat Kaligtasan ko'y iyo nang itinakda,
Noong bago pa man likhain ang langit at lupa,
Para sa kapurihan ng iyong habag at biyaya.

Kay Cristo Jesus nga ako ay iyong ibinigay;
Sa Pastol na para sa katubusan ko'y namatay.
Pagliligtas Niya'y tiyak na magtatagumpay,
At lahat Niyang tupa ay magtatamo ng buhay.

Panginoon, tinawag mo ako at iyong binago,
Sa pamamagitan ng iyong Espiritu Santo.
Ipinaunawa mo sa akin ang iyong Ebanghelyo,
Upang aking makita ang kagandahan ni Cristo.

Mayroon bang bagay na makapaghihiwalay,
Sa mga hinirang at sa kanilang Diyos na buhay?
Ang mga iniligtas ay patuloy Mong iniingatan,
Upang matamo nila ang lubos na kaluwalhatian.

—Jeph

Saturday, November 5, 2016

Solus Cristus and the Eternal Destiny of Dying Infants

One of the most difficult and tricky questions one could ask a Calvinist is whether or not babies who die as babies automatically go to heaven. To the non-Calvinist, the question itself seems very trivial. What an insanity it is to insinuate that such cute little "angels" could possibly go to hell! The thought of babies being burned in hell is for some reason intuitively unbearable. And yet, Calvinists for many centuries since the Reformation, have always been divided over this issue.

Before we move along, I must candidly confess that I personally hope that all babies dying in infancy are indeed saved, and I say "hope" because I also acknowledge the fact that the Bible is simply silent on the issue. I am convinced that in any attempt to answer the question"are all dying babies saved?", one necessarily enters into the realm of speculations. That being said, I would want to make it clear that it is beyond the intention of this blog to offer an answer to that particular question. My concern here deals with something way more important than the dispute over whether or not all dying infants are saved. What I'm concerned about is the preservation of the purity of the Gospel message in all this.

A few days ago, I had a discussion with a certain Calvinist who claimed that all babies dying in infancy are saved. Of course, there's nothing inherently wrong with that assertion (note that I personally have that hope myself!). What made his position wrong, however, is the reason that has been provided to justify it. My Calvinist friend made a bold assertion that it would be unjust for God to send dying infants—who have never committed any personal/actual sins—to hell. To state it positively, what he implies is that God's justice requires the salvation of dying infants by virtue of their innocence from the charge of having committed any actual/personal sins. This is tantamount to saying that some people (i.e. dying infants) are bound to go to heaven by the merit of their own innocence and not by the gracious redemption of Christ! I am convinced this is an implicit affront to the Gospel of Grace that Calvinists are expected to hold dearly.

During our discussion, my Calvinist friend also insisted that while it is God's justice that requires the salvation of dying infants, they would nonetheless still be saved by grace. But I could only imagine a snake eating its own tail when I read that statement. It is a fatal self-contradiction that ultimately reveals a serious misunderstanding of why is it necessary for us to be saved "by grace" in the first place. 

Saved by Grace Alone

Salvation is by grace simply because we don't deserve it.. God's justice condemns us (Rom. 3:19-23). If we deserved anything, as far as divine justice is concerned, it is only death: "for the wages of sin is death" (v. 6:23). Thus, grace presupposes our unworthiness before God. It presupposes our just condemnation. No sinner who is saved by grace can claim that God saved him because he justly deserves it. It also follows that God is never under any moral obligation to save any sinner. He could have thrown us all to hell in an instant and yet remain perfectly holy and just. If this isn't the case, then our salvation becomes a matter of legal obligation on God's part, and grace would no longer be grace (Rom. 11:6).  The mere mention of grace assumes that the recipient of such a bounty is justly condemned before God. In other words, the person who receives saving grace from God, left in himself, is a guilty sinner, and being guilty he is NOT innocent. So how can it be argued that dying infants are justly saved because they were innocent, and yet their salvation is still by grace? One can already see the absurdity of such a position.

Can a Christian hope that all dying infants will enter the kingdom of God? Sure! But let him confess that such little ones must enter the kingdom of God by grace alone; and if by grace, then it is not by any merit of their own (e.g. merit of innocence). Nobody is innocent before God—even infants (Psa. 51:5). "Like the rest, we were by nature deserving of wrath" (Eph. 2:3, NIV). If dying infants are innocent and must be saved by virtue of their innocence, then they are saved by bare justice, and not by grace.

Saved in Christ Alone

At this point one may ask: If salvation cannot be acquired by anyone on the basis of God's bare justice (which can pronounce nothing but condemnation for our sins), does this mean that "grace" is unjust? No. God's grace has been made available because God's justice has been answered for in the Cross. "God made him who had no sin to be sin for us, so that in him we might become the righteousness of God" (2 Cor. 5:21). Justice is served by Christ's death on behalf of His people so that salvation may come to them by grace alone (Rom. 3:23-26). No Cross, no grace.

Our need for a Savior presupposes the reality of both our depraved condition and our just condemnation apart from God's mercy. So, do babies need Christ and His grace? If the answer is "Yes," then it follows that they, too, are not innocent and are justly condemned; for "it is not the healthy who need a Physician, but the sick" (Mat. 9:12). But if the answer is "No," then Jesus was lying when he said: "I am the way and the truth and the life. No one comes to the Father except through me" (Jn. 14:6, NIV).

Conclusion

As a closing remark, let me suggest that whatever our position is concerning the eternal destiny of dying infants, we nevertheless ought to uphold the scriptural fact that heaven is a glorious place filled with people who are redeemed and forgiven by the Father through His Son, Jesus Christ. No human being can be found in heaven who is not redeemed by Christ. If this declaration is true, then how can we imagine babies in heaven without also accepting the fact that even those babies were—as far as God's justice is concerned—guilty and condemned so much so that they are not less in need of Christ's forgiveness as adults do? Do you imagine babies in heaven? I do. But I imagine babies in heaven who are saved not because they were innocent, but because of God's grace in Christ.

-Jeph

Tuesday, October 13, 2015

Wag kang KJ!

Naisip mo na ba kung bakit tila kung ano pa yung mga bagay na kinahuhumalingan at gustong-gustong gawin ng maraming tao, yun pa ang tila palaging pinagi-initang ipagbawal ng Bibliya, ni pastor, o ng mga "konserbatibong Kristyano"?

Sino ba ang ayaw magkaroon ng maraming-maraming pera at magkaroon ng kakayahang bilhin ang anumang nais niyang bilhin? Sino ang ayaw magkaroon ng pangalan at sana'y mag-trending din sa twitter? Sino ba ang ayaw magkaroon ng maraming ka-tropa at magkaroon ng malawak na impluwensya at kapangyarihan? Sino ba ang ayaw sa kaligayahang idinudulot ng sex? Atbp.

Marami tayong gusto, at lahat ng yan ay bunga ng ating pagsusumikap na maging maligaya. Pero bakit ganun? Bakit parang halos lahat ng pinagkukunan natin ng kaligayahan, ipinagbabawal naman ni Lord? Wala bang karapatang lumigaya o maging masaya ang mga tao? Bakit napaka-KJ naman yata ni Lord? Ganun ba ka-self centered ang Panginoon na para bang napag-tripan lang niya tayong lahat na sundin siya sa lahat ng bagay na ipinagu-utos niya sa atin kahit labag sa ating kagustuhan?

Kapatid, kung isa ka sa mga may kinikimkim na ganitong uri ng sentimyento dyan sa puso mo, maniwala ka sakin: Hindi kill-joy si Lord. Ang totoo niyan, ikaw ang KJ---hindi si Lord. Paano ko nasabi? Simple lang: Ikaw ay KJ sapagkat ayaw mong kilalanin at luwalhatiin (i.e. itaas, dakilain, papurihan, parangalan) ang Diyos. O sa ibang salita: Hindi KJ ang Diyos dahil siya ay self-centered, kundi bagkus ikaw ang KJ dahil ayaw mong kilalanin ang pagiging self-centered ng Diyos.

Tama ang iyong nabasa. Ang Diyos ay self-centered. Napaka! Sa katunayan, ang pinaka-layunin ng lahat ng bagay na nilikha ng Diyos---ikaw, ako, at lahat ng nabubuhay, mga pangyayari, at hanggng sa kaliit-liitang mga alikabok sa sansinukob---ay nilikha para sa kaluwalhatian at kapurihan ng kanyang sariling kadakilaan. Sabi ni Pablo,
"Sapagkat ang lahat ng bagay ay nagmumula sa kanya, sa pamamagitan niya, at para sa kanya. Sa kanya ang lahat ng kaluwalhatian magpakailanman! Amen." (Rom. 11:36)
Ang pagiging self-centered ng Diyos (o ang kanyang matinding pagibig sa sarili niyang kapurihan at kaluwalhatian) ay alinsunod mismo sa sarili niyang katuwiran. Isipin mong mabuti: Kung ang Diyos ang pinaka-dakila sa lahat, sa tingin mo ba'y mananatili pa kaya siyang makatuwiran kung hindi niya itinataas ang sarili niyang kadakilaan nang higit sa lahat ng bagay? Syempre hindi. Hindi maaaring itanggi ng Diyos ang sarili niyang kadakilaan, samakatuwid nararapat lamang na siya'y maging self-centered!

Pero sa puntong ito siguro'y nais mong itanong sa'kin: "Ibig mo bang sabihi'y makasarili ang Diyos?"

Ang sagot ko'y depende sa pakahulugan mo sa salitang makasarili. Sa isang sentido, totoong makasarili ang Diyos, dahil ang pinaka-layunin ng lahat ng kanyang ginagawa ay para sa ikaluluwalhati ng sarili niyang pangalan. Sa gayong paraan, at gaya ng nabanggit na, hindi siya maaaring maging kontra - sarili; siya'y marapat lamang na maging maka - sarili. Hindi niya maaaring itanggi ang sarili niyang kadakilaan sapagkat hindi niya maaaring itanggi ang kanyang pagiging Diyos.

Ngunit ang Diyos ba ay makasarili sa sentido na wala siyang pake sa ikabubuti ng kanyang mga nilalang? Hindi gano'n ang ibig kong sabihin. Sa katunayan pa nga, ang nais kong patunayan ay ang katotohanan na ang pagiging maka-sarili ng Diyos ang siyang nagsisilbing tanging batayan ng kaniyang pagibig sa atin!

Pano nangyari yun?

Simple lang: Kung ang Diyos ang pinaka-dakila sa lahat, ano sa tingin mo ang pinaka-mahalagang kayamanan na maaari niyang ibigay para sa atin? Tama! Ang kanyang sarili mismo! At dahil ang Diyos mismo ang pinaka-dakilang Kayamanan sa lahat (na higit pa sa mga bagay na itinuturing na "kayamanan" ng sanlibutan), samakatuwid ay hindi labag sa kanyang pagibig sa atin ang kanyang masidhing hangarin na dakilain at itaas ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa atin! 

Iyan ang pinaka-dahilan kung bakit itilaga ng Diyos ang kanyang Anak na si Jesus bilang Tapagagligtas ng mga makasalanan; ito ay una't higit sa lahat para sa ikaluluwalhati ng kanyang pangalan (Jn. 12:27-28, 13:31-32, 17:1; cf. Isa. 43:25).

Kung gayon, maliwanag na hindi kill joy ang Diyos. Hindi kailanman ninais alisin ng Diyos ang likas na pagnanais nating maging maligaya. Sa katunayan, nais niya tayong maging maligaya at napatunayan niya yan nang kanyang tuparin ang kanyang hangarin na dakilain / luwalhatiin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagparito ng kanyang bugtong Anak. Ang pagiging maka-sarili ng Diyos ang siyang naging batayan ng ating tunay at walang hanggang kaligayahan!

Bilang pangwakas sa maikling blog na ito, nais kong bigyang-diin muli na hindi ang Diyos ang kill joy, kundi tayo mismo. Ayon kay Jesus, kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso (Mat. 6:21); at kung nasan ang iyong puso, naturamente doon ka rin humuhugot ng kaligayahan. Kung ang kayamanan mo ay ang mga bagay ng sanlibutang ito, sa sanlibutan ka rin huhugot ng kaligayayan (Eph. 2:1-3), at tiyak na magiging kill joy talaga si Lord para sa'yo (Jn. 5:44). Maaaring inaakala mo'y maligaya ka sa mga bagay na pinapahalagahan mo sa daigdig, ngunit ang totoo'y inilalayo mo ang iyong sarili mula doon sa tanging makapagbibigay sayo ng tunay na kaligayahan. At habang nananatili kang bulag hinggil sa kagandahan ng Diyos kay Cristo Jesus (2 Cor. 4:4), ika'y magiging katulad ng isang batang paslit na ayaw tumigil sa paglalaro ng buhangin sa park at ayaw sumama sa kanyang mga magulang patungo sa Enchanted Kingdom sapagkat wala siyang ideya kung gaano ka-"mas dakila" ang Enchanted Kingdom kumpara sa kinahuhumalingan niyang buhangin.

Kapatid, wag kang KJ.

-Jeph


Wednesday, July 15, 2015

Pastor Ka [Nga] Ba?

Ikaw ba ay tinawag ng Panginoon o ng Salapi?


Paedo, Credo, Premil, Postmil, Amil, Sabbatarianism/Non-sabbatarianism, Presby, Congre, Supra, Infra, etc.

Magkakaiba man po tayo ng katuruang sinasang-ayunan, Nawa'y wala ni isa sa atin ang nasilaw sa maling katuruan ng Prosperity Gospel in any way. Kung talagang ikaw ay tinawag na maging pastor sa denominasyon na iyong pinanggalingan, wag mo isipin na ang pag-aaral sa seminaryo ay aksaya lamang ng oras at na nakahihigit sayo ang mga may degree sa kolehiyo. Ito ay paghahanda sa malaking gampanin mo sa kung anomang pagtawag sa iyo ng Panginoon. Marangal na bokasyon ito na inatas sa sinomang tinawag upang alagaan ang Kanyang tupa sa kung saan ka tatawagin. Kapareho ito ng secular na bokasyon na kung saan ay kahit ang naggagatas ng baka ay makapagbibigay luwalhati sa Dios (sabi nga ni Luther). Hindi ka man nakapagtapos sa kolehiyo at dumiretso sa pagpapastor o hindi man accredited ng CHED ang seminaryong pinasukan mo, ang mahalaga ay ang naging pagtawag sa iyo ng Dios. Nauunawaan ko na may mga iglesia na hindi kayang suportahan ang kanilang ministro sa pangangailangang pinansyal nito at nakakapagpalakas talaga ng pananampalatayang malaman ang kanilang sakripisyo (bi-vocational) pero hindi ito nangangahulugan ng mas higit na pagtawag kesa sa pastor na ang buong oras ay nasa kanyang mga tupa (full-time). Hindi rin ibig sabihin na kung hindi ka tumatanggap ng honorarium sa iyong iglesia ay mas banal at mas tama ka na pastor kesa sa mga tinutulungan ang kanilang pastor sa mga pangangailangang pinansyal nito. Totoong may mga pastor na hindi na nag-seminaryo at nagbasa lang ng libro o dahil parating kasama ang kanyang pastor, nagkaroon sya ng training na parang sa seminaryo, subalit hindi ito pangkalahatan. Hindi lahat ganito ang karanasan.

Security ba ang hanap mo?
Ang pagpapastor ay hindi pagpapalago ng buhay pinansyal. Kung mayroon kang kilala na pumasok ng seminaryo sa pagnanasang magkakaroon ng malaking kita sa papasukan nilang Iglesia, tingin ko para sa inyo ang kanyang sinabi (Miyembro ka pala dapat ng group para mabasa mo) pero hindi para maging bi-vocational pastor. Wag na lang. Magtapos ka na lang ng kurso sa kolehiyo na maaari kang tulungang makapasok sa kumpanya o magtayo ng negosyong kikita ka ng malaki.



Nawa'y wala ni isa sa atin ang nasilaw sa maling katuruan ng Prosperity Gospel - Jerboy Magalang


Aray ko po.

Ang pagpapastor ay hindi para sa pagpapataba ng tyan, ito ay para sa mga tupa.

Mga karagdagang babasahin:

God At Work: Your Christian Vocation in All of Life
Got Questions dot org articles

(About Jerboy)

Saturday, April 25, 2015

That Was Tough

The uncompromising message of Pastor John MacArthur against same-sex marriage

Image courtesy of Youtube.com


I have a disclaimer Before I begin: The image above maybe different from when he had said the message that I’d be referring to. So if you’re going to ask me for a specific Youtube link, you may excuse me for not having a single clip to give. Moreover, I do not own the image nor will use it for profit.

It’s been a month already when the news came out. A mainline pro (ugh!)-, a mainline pro (welp!), a mainline protestant denomination (notice how I intentionally refrained myself from adding “Christian” between “protestant” and “denomination”) approved of “Adam and Steve’s” union to further severe its ties with today’s Evangelicalism. While it’s devastating enough to know that they have totally departed from the historic and Biblical Christian view of marriage, it’s also another way of rejoicing over the fact that not everyone within the fellowship agrees with it.

We’re leaving. Bye.

Not everyone is Christian. It’s as true as saying that not everyone who profess with their tongue that He is Lord will enter the Kingdom of God. They have fallen away and we can only pray that the Lord is not done yet with the people there who are yet to be redeemed.

While the issue is starting to wane in social media (at least to where I’m currently at), there are still notions (out of ignorance probably) that this Presbyterian denomination had done it because they’re Calvinists. Ah! They’re Calvinists, you say? Just because they’re “Presbyterians”? Come on! I invite you to study and read more to avoid fallacy.

I have always loved good ecumenical relationships. When I say “good”, I mean to say real and Biblical, and when I say “ecumenical”, I mean to say that of a coalition without compromising key doctrines and not another. One of which, would be the setting aside of usual and never-ending debates on certain issues pertaining to this, this and this, and rather focusing on the things that tend to question our identity and distinction from other denominations.

I have always loved good ecumenical relationships.-Jerboy Magalang
Recently, I posted an article on Facebook about John MacArthur’s critical reaction to seminaries and denominations teaching a new perspective on marriage. Forget the debates on baptism, eschatology and many others as of the moment and just read the very words of his with regard to the issue:

They have no allegiance to the Bible, … You go back to every one of those seminaries … for a century [they] have been deniers of biblical authority, they have no relationship to scripture, they are the apostate church, they are Satan’s church.” — Pastor John MacArthur
(Read the rest of the article by clicking here.)

Whew. That‘s just it! Pastor John MacArthur putting a nail in the coffin even before it’s finalized. Finally, this is what I believe every professing believer should say about the issue.

There’s but one.


(About Jerboy)
Not everyone is Christian.-Jerboy Magalang

This article originally appeared on @sentirem; Jerboy Magalang's blog. Republished with permission from the author and by the grace of co-authors.