Wednesday, July 15, 2015

Pastor Ka [Nga] Ba?

Ikaw ba ay tinawag ng Panginoon o ng Salapi?


Paedo, Credo, Premil, Postmil, Amil, Sabbatarianism/Non-sabbatarianism, Presby, Congre, Supra, Infra, etc.

Magkakaiba man po tayo ng katuruang sinasang-ayunan, Nawa'y wala ni isa sa atin ang nasilaw sa maling katuruan ng Prosperity Gospel in any way. Kung talagang ikaw ay tinawag na maging pastor sa denominasyon na iyong pinanggalingan, wag mo isipin na ang pag-aaral sa seminaryo ay aksaya lamang ng oras at na nakahihigit sayo ang mga may degree sa kolehiyo. Ito ay paghahanda sa malaking gampanin mo sa kung anomang pagtawag sa iyo ng Panginoon. Marangal na bokasyon ito na inatas sa sinomang tinawag upang alagaan ang Kanyang tupa sa kung saan ka tatawagin. Kapareho ito ng secular na bokasyon na kung saan ay kahit ang naggagatas ng baka ay makapagbibigay luwalhati sa Dios (sabi nga ni Luther). Hindi ka man nakapagtapos sa kolehiyo at dumiretso sa pagpapastor o hindi man accredited ng CHED ang seminaryong pinasukan mo, ang mahalaga ay ang naging pagtawag sa iyo ng Dios. Nauunawaan ko na may mga iglesia na hindi kayang suportahan ang kanilang ministro sa pangangailangang pinansyal nito at nakakapagpalakas talaga ng pananampalatayang malaman ang kanilang sakripisyo (bi-vocational) pero hindi ito nangangahulugan ng mas higit na pagtawag kesa sa pastor na ang buong oras ay nasa kanyang mga tupa (full-time). Hindi rin ibig sabihin na kung hindi ka tumatanggap ng honorarium sa iyong iglesia ay mas banal at mas tama ka na pastor kesa sa mga tinutulungan ang kanilang pastor sa mga pangangailangang pinansyal nito. Totoong may mga pastor na hindi na nag-seminaryo at nagbasa lang ng libro o dahil parating kasama ang kanyang pastor, nagkaroon sya ng training na parang sa seminaryo, subalit hindi ito pangkalahatan. Hindi lahat ganito ang karanasan.

Security ba ang hanap mo?
Ang pagpapastor ay hindi pagpapalago ng buhay pinansyal. Kung mayroon kang kilala na pumasok ng seminaryo sa pagnanasang magkakaroon ng malaking kita sa papasukan nilang Iglesia, tingin ko para sa inyo ang kanyang sinabi (Miyembro ka pala dapat ng group para mabasa mo) pero hindi para maging bi-vocational pastor. Wag na lang. Magtapos ka na lang ng kurso sa kolehiyo na maaari kang tulungang makapasok sa kumpanya o magtayo ng negosyong kikita ka ng malaki.



Nawa'y wala ni isa sa atin ang nasilaw sa maling katuruan ng Prosperity Gospel - Jerboy Magalang


Aray ko po.

Ang pagpapastor ay hindi para sa pagpapataba ng tyan, ito ay para sa mga tupa.

Mga karagdagang babasahin:

God At Work: Your Christian Vocation in All of Life
Got Questions dot org articles

(About Jerboy)