Pages:

Sunday, February 10, 2013

InstaLove: #my Picture of Perfect Love


Ito yung bagong series sa youth service sameng church. February na kasi kaya dapat lang siguro na itampok ang issue na ito. (parang ang lalim nun ah "itampok). Well, alam naman naten ang mga kabataan pagdating sa usapin na ito ay naku parang may built na bulati sa katawaan at lagi silang kinikiliti haha.

Pagpasensyahan nyo na kung parang impormal ang aking pag ba blog ngayon. Ilang araw nakong hinde makabuo ng maayos na article. Kung makikita nyo nga ang dashboard ng munti naming blog na ito naku may mga nakatambak pako na kelangan i edit bago i publish. Kaya naisipan ko na magsulat na parang nagke kwento lang. Yung chill lang, yung parang wala lang. Yung walang sukat, walang rules. Baka mapagsabihan nako ng mga kasama kong author dito haha. Usapan namen mga doctrinal issues ng Christianity ang ididiscuss eh. Pero kakasawa na minsan, subalit datapwat hinde naten maiiwasan ang doktrina, pero sana naman ma discuss sya sa isang hinde boring na paraan.

O sya bakit ba yung writing style ko sinasabi ko, Tungkol nga pala sa pag ibig ang isusulat ko (o ita type kasi sa laptop ko naman ginagawa at hinde sa papel). Nong nakaraang Friday si Coach Mar (coach kasi tawag namen sa mga leaders hehehe yung #couldthisbelove.

Ano ba talaga ang pag ibig ? Sabi nila dapat daw i define naten to base sa perspektibo ng Dios. Sabi ng iba dapat biblikal ? Sabi ng iba kung ano ang nasa puso mo sundin mo.

Well, ayokong magdiscuss ng pagkahaba haba tungkol dito, kasi kahit ako minsan madalas sablay pagdating sa usaping ito. Kahit nga mga kilalang philosopher ng kasaysayan naiimbierna kapag love na ang topic (imbierna talaga ang term hahaha).

Teka, madaling araw na wala pakong naisusulat na matino. Ni hinde ko nga alam kung ano ang aking isusulat eh. Antayin ko na lang ba matapos ang series bago ako magsulat ? Hahaha, puro tawa na lang ako. Kwento ng kwento wala namang kwenta ang pinagsasabi ko haha.

Ayaw kong i discuss yung 3 greek words ng love na ginamit sa bible (agape, eros, fileo) kasi nosebleed yun at hinde ako bible scholar. Isa lamang akong cute at gwapong coach hahaha.

O sya magtitino na. Hinde nako mag dedefine, masyadong malawak ang salitang pag ibig para ikulong ko sa website na ito. Sa iilang letra na tinitipa ng aking mga daliri upang maka buo lamang ng isang artikulo hehe. Magkekwento na lang ako.

May isang lalake, may nagustuhan siyang isang babae. Gustong gusto niya ito, dahil dun kinausap nya ang tatay nung babae.

Bidang lalake: uhhhm tito manliligaw po sana ako sa inyong anak. yung pangalawa po.
Tatay nong babae: Aba iho kelangan mong mag antay at magsilbi sakeng kumpanya ng 7taon.
Bidang lalake: (wow huh) oo ba basta sa aking minamahal walang problema.

Makalipas ng 7taon.

Bidang lalake: uhhm tito ok na yung pagsisilbi ko sayo. Puede na ba akong manligaw sa anak mo.
Tatay nong babae: Sige mayang gabi mag date kayo. Puntahan mo na lang sya sa mang inasal ng alas 7 ng gabi
Bidang lalake: Ayos,

Nagmamadali ang binata. Nagpagupit, naligo ng halos 2 oras, nagpabango at kung ano ano pa. Pagdating niya sa mang inasal.

Bidang lalake: o ate bantay ka sa date namen. Asan na nga pala kapatid mo
Ate: Sabi ni tatay eh ako nalang daw ang ka date mo.
Bidang lalake: Hinde naman pupuede yun. Tara punta tayo kay tatay mo.

Makaraan ang ilang minuto.

Bidang lalake: Sir kala ko malinaw ang usapan namen na yung pang 2 mong anak na babae ang ide date ko. Siya ang mahal ko.
Tatay nong babae: Iho, sa pamilya namen kelangan mauna munag magboypren ang panganay.
Bidang lalake: Pero yung pang 2 po yung mahal ko....
Tatay nong babae: Sige papayag ako pero magsisilbi ka uli sa kumpanya ko sa loob uli ng 7 years.


Hanggang dumating ang panahon na naging girlfriend na niya yung babae. Yung kwento ginaya ko lang ito sa Genesis 29. Noong si Jacob ay nagsilbi kay Laban para sa puso ni Rachel. Sabi sa verse20.

20 So Jacob served seven years for Rachel, and they seemed to him but a few days because of the love he had for her.

O kitams, sabi ng biblia kahit na pitong taon ang ipinagsilbi ni Jacob kay Laban, para sa kanya ay saglit na panahon lang. Nakaka kilig para sa mga babae hehe. Pero hinde ko lang kayo gusto kiligin. Nais kong sabihin na ang tunay na pag ibig ay marunong mag antay at matiyaga hanggang dumating ang tamang panahon. Merong isang song na gustong gusto ko dati



Kaya mo bang mag antay at mangako sa iyong manlilikha hanggang dumating ang araw na maririnig mo ang tinig ng Dios na nangungusap sa puso mo. "Nak sya ang nilikha ko para sayo".

Ako natagpuan ko na :). Masarap sa pakiramdam, masaya at worth it. Ilang relasyon na din ang napag daanan ko hanggang sa makilala ko siya. Gusto ko na siyang pakasalan (ssssh wag kayong maingay ha, hinde ko pa sya inaaya hahaha baka naman maunahan nyo pako magsabi sa kaniya hahah), pero may pangako ako sa mga magulang niya. Na dapat maabot nya ang mga pangarap niya at nakapag silbi muna sya sa pamilya niya bago ko sya ayain. Mahirap mag antay lalo na at malapit nakong mag 29 hehe. Pero masarap mag antay kasi alam mong inilaan ng Diyos ito para iyo :)

O sya, hinde ang love life ko ang topic dito hahaha. Tulad ng madalas kong tanong sa mga student palang. Tapos nyo na ba assignment nyo ? hahaha. Mag aral muna ng mabuti dahil pag naka graduate kayo gugustuhin nyong mag aral uli. 

Kita kits tayo sa Biernes. Gawa na ang phone ko kaya picture picture uli ahahaha. God bless.


1 comment:

  1. nice bro. Danes ngayun ko lang nakita itong blog nyo ah :)

    ReplyDelete

Commenting Rules:

1. No trolling or baiting; submit relevant responses to appropriate blog-posts.
2. No name calling, bashing, flaming or posting of any ad hominems or personal attacks or insults of any kind
3. No spamming, advertising or soliciting.
4. No littering in the comment-box (multi-posting or cross-posting).
5. No blasphemous post and no links to occultic and cultic materials and immoral sites.
6. No negative one-liners.
7. No impersonating
8. No heckling; harrassments
9. No posting in all caps; no posting in all bold letters
10. If you're posting Anonymously, please provide a name so you can be addressed properly.

*All mature, sensible, and honest comments are welcome and encouraged. Comments will be filtered by the blog-owner before granting them to be published.