Pages:

Friday, January 18, 2013

Pagsamba at Pakikibaka

Minsan, isang gabi nakasakay kame ng kapatid ko sa jeep, meron isang batang sumakay na marumi ang mga pisngi at mga kuko na parang kumakanta at nagsasalita. Sabi niya "Mga manong, mga manang penge naman pong pambili ng tinapay, sige na ho, sige na", paulit ulit niya itong sinasabi na parang may tono pa. 

Maraming ganito ang mga nasa lansangan, sumasakay sa mga pampasaherong jeep, nangangatok sa mga bintana ng mga magagarang sasakyan at nakakalat sa buong kamaynilaan. Merong mga bata, matatanda, buntis, may ngipin, bulag, at kung ano ano pa. Mga taong tila kinalimutan na at itinakwil ng lipunan. Mga taong animo'y wala ng pag asa ang buhay. 

Habang tayo ay natutulog sa isang komportableng higaan sila naman ay natutulog sa malamig at maduming semento ng kalsada. Habang tayo'y kumakain ng lagpas 3 beses sa loob ng isang araw, sila naman ay maswerte kung makakain ng kahit isang beses sa isang araw. Habang tayong mga Kristiyano ay nakataas ang mga kamay sa pagsamba sa Dios, sila naman ay unti unting nagiging patapon ang buhay. 

Bilang mga Kristiyano, mga taong nagmamahal sa Dios. Sapat na ba na tayo ay meron isang langit na patutunguhan ? Sapat naba na tayo ay nagsisimba tuwing araw ng Linggo (at minsan hinde lang linggo ? Sapat naba na tayo ay manalangin ? Sapat na ba na tayo ay umaattend ng ating mga Bible studies ?

Meron ganitong mga pangungusap ang Dios na nakatala sa banal na kasulatan.

Amos 5
21Aking kinapopootan, aking hinahamak ang inyong mga kapistahan, at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang kapulungan.

22Oo, bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na harina, hindi ko tatanggapin; ni akin mang kalulugdan ang mga handog tungkol sa kapayapaan na inyong mga matabang hayop.
23Ihiwalay mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit; sapagka't hindi ko didinggin ang tinig ng iyong mga biola.
24Kundi bumugso ang katarungan na parang tubig, at ang katuwiran na parang malakas na agos.

Isaias 1

13Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay; kamangyan ay karumaldumal sa akin; ang bagong buwan, at ang sabbath, ang tawag ng mga kapulungan, hindi ako makapagtitiis ng kasamaan at ng takdang pulong.
14Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan: mga kabagabagan sa akin; ako'y pata ng pagdadala ng mga yaon.
15At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking ikukubli ang aking mga mata sa inyo: oo, pagka kayo'y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin: ang inyong mga kamay ay puno ng dugo.
16Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan:
17Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo ang babaing bao.

Kung mapapansin naten na ang Dios ay hinde nalulugod sa mga uri ng pagsamba ang ginagawa ng mga Israelita. Bagamat ito'y alay sa Dios at ito ay itinakda ng Dios (basahin ang 5 unang aklat ng Lumang Tipan para malaman ang mga bagay na dapat gawin ng mga lingkod ng Dios), ito pa din ay inayawan ng ating Dios na buhay. Sa kadahilanang walang hustisya sa kapaligiran. Marami ang nagugutom, ang napipighati, mga walang makain o mainom na malinis na inumin man lang. Meron ganyang pangungusap ang ating Panginoong JesuCristo nong Siya pa ay nasa katawang tao.

Mateo 2323Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.

Napakaimportante na tayo ay sumasamba sa Dios sa pamamagitang ng mga awiting pagsamba. Napakaimportante sa isang Cristiano na laging magpunta sa kapilya. 

 NGUNIT, habang tayo ay na papayabong ang buhay spiritwal, padami ng padami ang mga taong namamatay sa lansangan dahil sa kagutuman at lamig ng kalsada. Habang tayo'y nagpaplano ng kasiyahan. Habang tayo ay nasa loob ng kapilya na matimtimang nag aantay para matapos ang pananambahan, marami ang nag iisip kung saan kukuha ng pagkain. 

Sana naman tayo ay magising. Nawa pagkakababa ng ating mga kamay buhat sa pagsamba tayo ay dumukot sa ating mga bulsa para sa mga taong nangangailangan.


No comments:

Post a Comment

Commenting Rules:

1. No trolling or baiting; submit relevant responses to appropriate blog-posts.
2. No name calling, bashing, flaming or posting of any ad hominems or personal attacks or insults of any kind
3. No spamming, advertising or soliciting.
4. No littering in the comment-box (multi-posting or cross-posting).
5. No blasphemous post and no links to occultic and cultic materials and immoral sites.
6. No negative one-liners.
7. No impersonating
8. No heckling; harrassments
9. No posting in all caps; no posting in all bold letters
10. If you're posting Anonymously, please provide a name so you can be addressed properly.

*All mature, sensible, and honest comments are welcome and encouraged. Comments will be filtered by the blog-owner before granting them to be published.