Monday, February 25, 2013

Dr. James White vs. Dr. Michael Brown on Calvinism

Here's a peaceful and definitely God-honoring three-part discussion between Dr. James White (5-point Calvinist and director of Alpha and Omega Ministries) and Dr. White Brown (staunch proponent of Libertarianism and host of the Line of Fire radio program) concerning one of the most controversial topics in Christian theology - God's Sovereignty in Salvation.

Part I (audio only)
Part II (audio only)
Part III (audio only)

Source: http://winteryknight.wordpress.com

I commend both Dr. White and Dr. Brown for being consistently gracious in all their exchanges. May God use this debate to enrich many of His children with the knowledge of His truth. To God be the Glory!

- Jeph

Sunday, February 10, 2013

InstaLove: #my Picture of Perfect Love


Ito yung bagong series sa youth service sameng church. February na kasi kaya dapat lang siguro na itampok ang issue na ito. (parang ang lalim nun ah "itampok). Well, alam naman naten ang mga kabataan pagdating sa usapin na ito ay naku parang may built na bulati sa katawaan at lagi silang kinikiliti haha.

Pagpasensyahan nyo na kung parang impormal ang aking pag ba blog ngayon. Ilang araw nakong hinde makabuo ng maayos na article. Kung makikita nyo nga ang dashboard ng munti naming blog na ito naku may mga nakatambak pako na kelangan i edit bago i publish. Kaya naisipan ko na magsulat na parang nagke kwento lang. Yung chill lang, yung parang wala lang. Yung walang sukat, walang rules. Baka mapagsabihan nako ng mga kasama kong author dito haha. Usapan namen mga doctrinal issues ng Christianity ang ididiscuss eh. Pero kakasawa na minsan, subalit datapwat hinde naten maiiwasan ang doktrina, pero sana naman ma discuss sya sa isang hinde boring na paraan.

O sya bakit ba yung writing style ko sinasabi ko, Tungkol nga pala sa pag ibig ang isusulat ko (o ita type kasi sa laptop ko naman ginagawa at hinde sa papel). Nong nakaraang Friday si Coach Mar (coach kasi tawag namen sa mga leaders hehehe yung #couldthisbelove.

Ano ba talaga ang pag ibig ? Sabi nila dapat daw i define naten to base sa perspektibo ng Dios. Sabi ng iba dapat biblikal ? Sabi ng iba kung ano ang nasa puso mo sundin mo.

Well, ayokong magdiscuss ng pagkahaba haba tungkol dito, kasi kahit ako minsan madalas sablay pagdating sa usaping ito. Kahit nga mga kilalang philosopher ng kasaysayan naiimbierna kapag love na ang topic (imbierna talaga ang term hahaha).

Teka, madaling araw na wala pakong naisusulat na matino. Ni hinde ko nga alam kung ano ang aking isusulat eh. Antayin ko na lang ba matapos ang series bago ako magsulat ? Hahaha, puro tawa na lang ako. Kwento ng kwento wala namang kwenta ang pinagsasabi ko haha.

Ayaw kong i discuss yung 3 greek words ng love na ginamit sa bible (agape, eros, fileo) kasi nosebleed yun at hinde ako bible scholar. Isa lamang akong cute at gwapong coach hahaha.

O sya magtitino na. Hinde nako mag dedefine, masyadong malawak ang salitang pag ibig para ikulong ko sa website na ito. Sa iilang letra na tinitipa ng aking mga daliri upang maka buo lamang ng isang artikulo hehe. Magkekwento na lang ako.

May isang lalake, may nagustuhan siyang isang babae. Gustong gusto niya ito, dahil dun kinausap nya ang tatay nung babae.

Bidang lalake: uhhhm tito manliligaw po sana ako sa inyong anak. yung pangalawa po.
Tatay nong babae: Aba iho kelangan mong mag antay at magsilbi sakeng kumpanya ng 7taon.
Bidang lalake: (wow huh) oo ba basta sa aking minamahal walang problema.

Makalipas ng 7taon.

Bidang lalake: uhhm tito ok na yung pagsisilbi ko sayo. Puede na ba akong manligaw sa anak mo.
Tatay nong babae: Sige mayang gabi mag date kayo. Puntahan mo na lang sya sa mang inasal ng alas 7 ng gabi
Bidang lalake: Ayos,

Nagmamadali ang binata. Nagpagupit, naligo ng halos 2 oras, nagpabango at kung ano ano pa. Pagdating niya sa mang inasal.

Bidang lalake: o ate bantay ka sa date namen. Asan na nga pala kapatid mo
Ate: Sabi ni tatay eh ako nalang daw ang ka date mo.
Bidang lalake: Hinde naman pupuede yun. Tara punta tayo kay tatay mo.

Makaraan ang ilang minuto.

Bidang lalake: Sir kala ko malinaw ang usapan namen na yung pang 2 mong anak na babae ang ide date ko. Siya ang mahal ko.
Tatay nong babae: Iho, sa pamilya namen kelangan mauna munag magboypren ang panganay.
Bidang lalake: Pero yung pang 2 po yung mahal ko....
Tatay nong babae: Sige papayag ako pero magsisilbi ka uli sa kumpanya ko sa loob uli ng 7 years.


Hanggang dumating ang panahon na naging girlfriend na niya yung babae. Yung kwento ginaya ko lang ito sa Genesis 29. Noong si Jacob ay nagsilbi kay Laban para sa puso ni Rachel. Sabi sa verse20.

20 So Jacob served seven years for Rachel, and they seemed to him but a few days because of the love he had for her.

O kitams, sabi ng biblia kahit na pitong taon ang ipinagsilbi ni Jacob kay Laban, para sa kanya ay saglit na panahon lang. Nakaka kilig para sa mga babae hehe. Pero hinde ko lang kayo gusto kiligin. Nais kong sabihin na ang tunay na pag ibig ay marunong mag antay at matiyaga hanggang dumating ang tamang panahon. Merong isang song na gustong gusto ko dati



Kaya mo bang mag antay at mangako sa iyong manlilikha hanggang dumating ang araw na maririnig mo ang tinig ng Dios na nangungusap sa puso mo. "Nak sya ang nilikha ko para sayo".

Ako natagpuan ko na :). Masarap sa pakiramdam, masaya at worth it. Ilang relasyon na din ang napag daanan ko hanggang sa makilala ko siya. Gusto ko na siyang pakasalan (ssssh wag kayong maingay ha, hinde ko pa sya inaaya hahaha baka naman maunahan nyo pako magsabi sa kaniya hahah), pero may pangako ako sa mga magulang niya. Na dapat maabot nya ang mga pangarap niya at nakapag silbi muna sya sa pamilya niya bago ko sya ayain. Mahirap mag antay lalo na at malapit nakong mag 29 hehe. Pero masarap mag antay kasi alam mong inilaan ng Diyos ito para iyo :)

O sya, hinde ang love life ko ang topic dito hahaha. Tulad ng madalas kong tanong sa mga student palang. Tapos nyo na ba assignment nyo ? hahaha. Mag aral muna ng mabuti dahil pag naka graduate kayo gugustuhin nyong mag aral uli. 

Kita kits tayo sa Biernes. Gawa na ang phone ko kaya picture picture uli ahahaha. God bless.


Friday, January 18, 2013

Pagsamba at Pakikibaka

Minsan, isang gabi nakasakay kame ng kapatid ko sa jeep, meron isang batang sumakay na marumi ang mga pisngi at mga kuko na parang kumakanta at nagsasalita. Sabi niya "Mga manong, mga manang penge naman pong pambili ng tinapay, sige na ho, sige na", paulit ulit niya itong sinasabi na parang may tono pa. 

Maraming ganito ang mga nasa lansangan, sumasakay sa mga pampasaherong jeep, nangangatok sa mga bintana ng mga magagarang sasakyan at nakakalat sa buong kamaynilaan. Merong mga bata, matatanda, buntis, may ngipin, bulag, at kung ano ano pa. Mga taong tila kinalimutan na at itinakwil ng lipunan. Mga taong animo'y wala ng pag asa ang buhay. 

Habang tayo ay natutulog sa isang komportableng higaan sila naman ay natutulog sa malamig at maduming semento ng kalsada. Habang tayo'y kumakain ng lagpas 3 beses sa loob ng isang araw, sila naman ay maswerte kung makakain ng kahit isang beses sa isang araw. Habang tayong mga Kristiyano ay nakataas ang mga kamay sa pagsamba sa Dios, sila naman ay unti unting nagiging patapon ang buhay. 

Bilang mga Kristiyano, mga taong nagmamahal sa Dios. Sapat na ba na tayo ay meron isang langit na patutunguhan ? Sapat naba na tayo ay nagsisimba tuwing araw ng Linggo (at minsan hinde lang linggo ? Sapat naba na tayo ay manalangin ? Sapat na ba na tayo ay umaattend ng ating mga Bible studies ?

Meron ganitong mga pangungusap ang Dios na nakatala sa banal na kasulatan.

Amos 5
21Aking kinapopootan, aking hinahamak ang inyong mga kapistahan, at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang kapulungan.

22Oo, bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na harina, hindi ko tatanggapin; ni akin mang kalulugdan ang mga handog tungkol sa kapayapaan na inyong mga matabang hayop.
23Ihiwalay mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit; sapagka't hindi ko didinggin ang tinig ng iyong mga biola.
24Kundi bumugso ang katarungan na parang tubig, at ang katuwiran na parang malakas na agos.

Isaias 1

13Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay; kamangyan ay karumaldumal sa akin; ang bagong buwan, at ang sabbath, ang tawag ng mga kapulungan, hindi ako makapagtitiis ng kasamaan at ng takdang pulong.
14Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan: mga kabagabagan sa akin; ako'y pata ng pagdadala ng mga yaon.
15At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking ikukubli ang aking mga mata sa inyo: oo, pagka kayo'y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin: ang inyong mga kamay ay puno ng dugo.
16Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan:
17Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo ang babaing bao.

Kung mapapansin naten na ang Dios ay hinde nalulugod sa mga uri ng pagsamba ang ginagawa ng mga Israelita. Bagamat ito'y alay sa Dios at ito ay itinakda ng Dios (basahin ang 5 unang aklat ng Lumang Tipan para malaman ang mga bagay na dapat gawin ng mga lingkod ng Dios), ito pa din ay inayawan ng ating Dios na buhay. Sa kadahilanang walang hustisya sa kapaligiran. Marami ang nagugutom, ang napipighati, mga walang makain o mainom na malinis na inumin man lang. Meron ganyang pangungusap ang ating Panginoong JesuCristo nong Siya pa ay nasa katawang tao.

Mateo 2323Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.

Napakaimportante na tayo ay sumasamba sa Dios sa pamamagitang ng mga awiting pagsamba. Napakaimportante sa isang Cristiano na laging magpunta sa kapilya. 

 NGUNIT, habang tayo ay na papayabong ang buhay spiritwal, padami ng padami ang mga taong namamatay sa lansangan dahil sa kagutuman at lamig ng kalsada. Habang tayo'y nagpaplano ng kasiyahan. Habang tayo ay nasa loob ng kapilya na matimtimang nag aantay para matapos ang pananambahan, marami ang nag iisip kung saan kukuha ng pagkain. 

Sana naman tayo ay magising. Nawa pagkakababa ng ating mga kamay buhat sa pagsamba tayo ay dumukot sa ating mga bulsa para sa mga taong nangangailangan.


Saturday, October 6, 2012

4PM Habit



Our national hero, Dr. Jose P. Rizal said " Ang mga kabataan ang pag asa ng bayan" (The youth is the hope of our nation). I am really blessed to shout with the youth. To fellowship with the youth. To minister to the youth.

My college days is still fresh in my memory. The days when me and my friends say, "Let's turn the world upside down for Christ". Those days are the most memorable days of my life. When I dream that the next generation will seek the face of God. Will shout His fame. Will rise and stand with faith. Will serve God and the poor.

Earlier this afternoon (I started to write this paper 11:00PM so it's considered Friday lol). Coach Rodel shared about being the model of the youth. He quoted 1 Timothy 4:12

"12 Don’t let anyone look down on you because you are young, but set an example for the believers in speech, in conduct, in love, in faith and in purity."

Timothy was a young leader of the Church at Ephesus of that time. Church historians claimed that he was the head elder (or senior pastor) of the Ephesian Church. Some scholars said that there was too much issues regarding Timothy's leadership because of his age. There are some members of the church that who don't want to listen to him and come to the point to question his leadership. Paul admonished him to set an example. That despite of doubts and questions to his leadership Tim need to be strong about his calling.

That's happening right now. Some of the elders of our society are doubtful to our talents. To our integrity. They are doubtful on what we can do to change our society.. Our nation...

It is time to rise up young people. It's time to show them that we will bring hope. Not only on our nation, not only in our campus. But in every nation and every campus.

I remember the questions that I always ask to the youth in my former church.

"Are we proclaiming Jesus the Hope of the World?"
"Then why we are still silent and not changing the world for Christ?"
"Do we let the evil dictate the future of the nation?"
"Do we let everyday with dying and going to hell?"


Now is the time. Not tomorrow. Not next month. Not next year. Now is the time.


Thursday, September 20, 2012

Everyday Christian Life As Worship


Worship, a very holy word but most debated and misunderstood on religious circles. Christians from different traditions and background debate on this issue for the past centuries on how we worship God in a biblical and reverential way. Most, if not all of us are being subjective in defining and judging the other camps. Terms used such as "silent night" (referring to Reformed-Liturgical-Hymal style of service) and "joy to the world (referring to the contemporary-radical-youthful Evangelical style of service) to describe the distinctions of the style of worship.


But Church and congregational worship is only a part of worship and service to God. In this short paper we will discuss that worship does not confine on the 4 corners of the Church building but beyond. Worship extends to our everyday lives in obedience with the Word.


I will primarily use Romans 12 as our base passage but we will quote some passages from the Scriptures as our discussion goes by.


Let's quote first Romans 12:1


Therefore, I urge you, brothers and sisters, in view of God’s mercy, to offer your bodies as a living sacrifice, holy and pleasing to God—this is your true and proper worship. Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind. Then you will be able to test and approve what God’s will is—his good, pleasing and perfect will.



Therefore, I urge you, brothers and sisters, in view of God’s mercy,

What is God's mercy ? Noticed Paul used the term "therefore". It means that Paul was discussing a topic before chapter 12. If we will look at chapter 11, Paul discussed here the salvation of Israel and how Israel has a big part of the God's plan of salvation. Paul advised the Gentiles not to think that they (Gentiles) are superior than the Jews (11:18). God is still giving and will give Israel chance to respond to the gospel. Since we are all sinners (Romans 3:23) no one is righteous to the eyes of God. But because of His grace He made a way to provide redemption (salvation) for both Jews and Gentiles (Romans 1:16). Now, based on that view that God is merciful. Paul urged the Christians in Rome to:


to offer your bodies as a living sacrifice, holy and pleasing to God—this is your true and proper worship

Now, this is the prescription written in the Scripture. Our true and proper worship to God is to offer our bodies as sacrifice, holy and pleasing. But hold your horses guys. Does this verse only referring to congregational or church worship only ? Does Paul have the church worship in mind when he is writing this passage ? Let's see on the next lines.



Do not conform to the pattern of this world,  but be transformed by the renewing of your mind. 

What are the things that the world is doing ? Are we doing that ? Are we following their habits and worldviews ? Or are we renewing and changing our way in looking at things ?

As Christians, Paul admonished us to renew our minds. To be holy and to be stained by the sins of this world. In Old testament, the animal sacrifice should be blameless in the sight of the Lord. If we want to worship God then we should have our lives blameless by renewing our mind and not conforming on the pattern of this world.


Conclusion.

Worship is not about just singing (or dancing). It's not just inside the four corner of the Church. Worship is a lifestyle. Making our steps that can bring honor to God. Changing our worldview according to what the bible says. If you want to do the correct worship, be holy since God is holy.







Wednesday, June 20, 2012

Sola Fide ba ang Batayan ng Kaligtasan?

Mali po ang kaisipang sa Sola Fide (o pagsampalataya lamang) naka-batay ang Kaligtasan. Hindi po ito ang katuruang itinataguyod ng mainstream evangelicalism. Sa katunayan, ang konseptong ito'y hindi ipinangaral ng sinuman sa mga prominenteng repormista ng panahon ng Repormasyon. Higit sa lahat, wala pong biblikal na pundasyon ang koseptong ito.

Maraming kritiko ng Sola Fide (mula noon hanggang ngayon) ang nagaakalang itinuturo ng mga ebangheliko na sa pagsampalataya lamang nakabatay ang Kaligtasan. Sa kasamaang palad, marami ring "ebangheliko" (mula noon hanggang ngayon) ang nagtataglay ng ganitong maling kaisipan.

Ano nga ba ang batayan sa pagtatamo ng Kaligtasan? Ang batayan sa pagtatamo ng Kaligtasan ay ang pagiging "matuwid" ng tao sa paningin ng Diyos. Sa Araw ng Paghuhukom ay masasaksihan ng lahat ang poot ng Diyos sa mga makasalanan, sa mga hindi matuwid, samakatuwid baga'y sa mga hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos (Rom. 2:5-6, 8-9). Tanging ang mga mapapatunayang "matuwid" (o sakdal) lamang ayon sa pamantayan ng Kautusan ang siyang maliligtas sa nakakakilabot na kahatulan ng Panginoon (Rom. 2:7; cf. Mat. 25:46). Ayon nga kay Jesus, "Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal" (Mat. 5:48). Iyan ang kaluwalhatiang kailangang abutin ng tao upang siya'y maging karapat-dapat magtamo ng buhay na walang hanggan.

Ngunit mayroon bang nakaabot sa kaluwalhatiang iyan? Wala, wala kahit isa, "Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa" (Rom. 3:10). "Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios" (Rom. 3:23). Kung gayon, sino sa atin ang makakatayo sa kahatulan ng Diyos sa Araw ng Paghuhukom? Wala. Ayon nga sa aklat ng mga Awit: "Kung ikaw, Panginoon, [ay] magtatanda ng mga kasamaan, Oh Panginoon, sinong tatayo?" (Psa. 130:3); at minsan pa, "At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod; sapagka't sa iyong paningin ay walang taong may buhay na aariing ganap" (Psa. 143.2). Sa madaling salita, lahat tayo ay karapat-dapat lamang ibulid sa impyerno dahil sa ating mga kasalanan. Tayo'y nangangailangan ng Tagapagligtas.

Kaya nga, gaya ng alam na natin, ipinadama ng Diyos ang kanyang pagibig, bagamat tayo'y di karapat-dapat, nang suguin niya ang kanyang bugtong na Anak upang ang sinumang manalig sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan sa piling ng Panginoon (Jn. 3:15-18; Rom. 5:8). Ang Kautusan na hindi natin kayang tupdin ay walang salang tinupad ni Cristo nang sa gayon ay "ibilang" o  "ituring" tayong matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng ating pananalig sa kanya (Rom. 3:24-25; cf. Mat. 5:17, Gal. 4:4-5). Ang katuwirang ito na iginagawad ng Diyos sa mga sumasampalataya ay hindi batay sa kanilang sariling mga gawa (o sa kanilang pagsampalataya), kundi batay lamang sa trabahong tinapos na ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus. Sabi nga ni San Pablo: "sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid" (Rom. 5:19) at ang katuwirang ito'y natatamo sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo (Rom. 10:3-4). Hindi nakabatay sa pagsampalataya ang Kaligtasan, bagkus ito'y tugon lamang sa pagliligtas na tinapos na ni Cristo (Rom. 10:9-11).

Ang kabuuan ng Kaligtasan ay nakabatay lamang sa gawain ng Diyos, at hindi sa anumang paraan nakasalalay sa mga gawa o desisyon ng tao. Maging ang pagsampalataya ay kaloob lamang ng Diyos sa sinumang nais niyang pagkalooban nito! (1 Cor. 4:7; cf. Jn. 6:65, Php. 1:29). Ang Diyos Ama ang siyang humirang (Rom. 8:29-30; 1 Pe. 1:2), ang Diyos Anak ang siyang nagbata alang-alang sa Kaligtasan ng mga hinirang (Mat. 1:21; Jn. 10:11, 15), at ang Diyos Espiritu Santo naman ang nagkakaloob ng pananampalataya sa mga hinirang (1 Cor. 2:14; cf. Jn. 3:3). Yan ang dahilan kung bakit Soli Deo Gloria (Latin, "Sa Diyos lamang ang kaluwalhatian") ang paninindigan ng mga lolong repormista. Ito ay sapagkat ang kabuuan ng Kaligtasan, ayon sa Kasulatan, ay naguugat sa Biyaya, at nagtatapos din sa Biyaya.

-Jeph