Wednesday, March 25, 2015

I'd Say Both

Let’s get straight to the point: Jesus is fully God and fully Man. I cannot see any reason for me to say that I am a Christian without affirming both nor replacing it with this, this, this, this and/or this.

But what’s the fuss all about? Well, a question that was raised a few days ago (and early this week. Let me remind that it’s a closed group!) in one of the groups I’m in nearly had me commented on what I believe about it but because of some errands and unfinished business at work, I could not. I’ll make it simple so you won’t have to join the group if in case you’re just a random reader like I am.

Is there a problem here?
The Question

The question is, “Could Jesus have sinned?” — My answer is both yes and no. Let me share with you why.

Most Christians, if not for the sake of a greater cause, tend to shelf this question for safekeeping unless it’s intentionally asked for the purpose of knowing if he/she affirms a sound Biblical doctrine and/or is not a heretic. But would it really be a heresy for a Christian to say yes to that question given a certain condition? Would affirming to it be considered a departure from what’s written if you are to say that “yes, He could’ve possibly sinned”?

Heh! Can’t beat me!
 If you are to view a list of the outstanding heresies that we have today, you would not find any that makes you one by saying yes to the question above.

So let me explain further why I’m standing in the middle:

Why answer “no”?

To answer “no” is to say that because He is completely Divine, He will never commit an unlawful act whether it be in His mind and/or actions. Being fully Divine, the Father’s divinity is at risk if we should say “yes” that Jesus could’ve sinned despite Him being in a glorified body after resurrection. Paul Himself went on further to justify this by saying, that “in him dwelleth all the fulness of the Godhead bodily” (Col. 2:9)

Therefore, my answer to the question above should be “no”.

Why answer “yes”?

To answer yes is to affirm that He is a complete Man, making Him the second Adam. The same perfection that was given unto the first Adam was embraced by the Messiah. That we can never doubt. As sinless as the first, He is the Son of Man who came and died for the atonment of our sins. Therefore (and only given such considerations that we’re talking about the fully Man in Him being present in the first Adam who caused us to die,) my answer to the question above will also be “yes”. May I remind you of the federalism?

Yes. Wait just simply say no. I don’t get it why I 
have to say yes. Oh I get it. It can be both!
Here’s my created analogy to settle this myself:

Premise 1: Christ is fully divine and fully Man
Premise 2: God divine cannot sin while Man can
Therefore Christ as fully divine cannot sin but as fully Man can

pew. pew.
 Doesn’t it bother you that eight-out-of-ten of God’s Ten Commandments requires you tonot? (← I’ll stop right there.) With Jesus being fully human born under the law, He has to certainly fulfill everything that’s written in the Scripture and I can rejoice in knowing that He did so in full obedience to the will of the Father.

I believe that Jesus, the second person of the Trinity is the God-Man in the God-Head and being so, He is both divine and alive in flesh and blood. Thus, His sharing of the divine attributes that the Father has will and/or can never commit sin. This same divinity that Jesus has is shared also with the same perfection of Man that Adam had prior to the fall. Adam was just a man. He wasn’t divine. Jesus is God (and is one with the Father and the Spirit) who was also just-as-perfect-as-the-pre-fall Adam. Believing that the Fully- Man-Christ Himself could never sin is to question Adam’s fall. Why did Adam sin?

A Solemn Appeal

You don’t really have to punch me for real — and with gloves!
There’s one thing that you can do if you have differing views as to whether He could’ve or could’ve not; Accept the fact that there are genuine Christians who believes that He could’ve sinned but did not without condemning the thought of it as blasphemous. It’s not like the issue is whether to accept semi-pelagianism as a possible Biblical response to salvation or not, is it?

Wrapping It Up

So, the next time you’ll ask me the question: could Jesus have sinned?, feel free to check back here to find out if I have made any changes. But until then, my answer would be both yes and no.

I’m a baptist, You’re Presbyterian. Now what? Maybe I’m a Charismatic!

Accept the fact that there are genuine Christians who believes that He could’ve sinned but did not without condemning the thought of it as blasphemous. It’s not like the issue is whether to accept semi-pelagianism as a possible Biblical response to salvation or not, is it? - Jerboy Magalang

This article originally appeared on @sentirem; Jerboy Magalang's blog. Republished with permission from the author and by the grace of co-authors.

Tuesday, March 24, 2015

Parang di natuto


Konting reality check lang para sa mga kabataan na noo'y aktibo sa Sunday School ngunit gumradweyt na't nagtatrabaho na sa kasalukuyan. Isang tanong:

...Natuto nga ba tayo?
(Oo, tayo. Meaning, kasama ako dun).

Ang dami, dami, dami, dami nating napag-aralan tungkol sa Biblia, sa mga doktrina, sa Diyos, etc. Di na mabilang ang mga memory verses na alam natin. Pero anyare? Nang magkatrabaho na tayo, bakit nangongompromiso tayo? Nasan na yung mga tinuro sa atin at natutunan natin sa simbahan?

Nakakahiya (at nakakainis) mang isipin, pero ganyan tayo. Nagkakaroon tayo ng selective amnesia kapag pasok natin sa office. Lahat ng mga tinuro ni Sunday School teacher, lahat ng mga preaching ni pastor, at lahat ng pangaral ng mga elders ng simbahan... *puff!* - instantly deleted na sa mga alaala natin.

Yung totoo? Natuto nga ba?

Please lang, wag naman natin sayangin yung effort ng mga guro natin sa simbahan, at huwag natin silang ipahiya. Higit pa riyan, wag nating ipahiya si Cristo!

Sa mga kabataang "Kristiano" naman na magtatrabaho pa lang, please lang ano; wag niyo na lang ipagsabi sa mga katrabaho niyo na Kristyano kayo kung di niyo rin naman paninindigan. Dahil sa bandang huli, kapag nahulog na kayo sa pangongompromiso (i.e. nakisama na sa mga makamundong gawain ng mga katrabaho niyo) ay pagsisisihan nyo yung oras na sinabi niyo pa yun.

Ngayon, gusto mo bang bumait pero di mo magawa? Click mo to.


Thursday, March 19, 2015

Sino ang tunay na Kristyano?

Ang salitang Kristyano (Eng, "Christian") ay hango sa salitang Griego na "Christianos" (G5546 - Χριστιανός) na ang kahulugan ayon kay Thayer ay "a follower of Christ." Tatlong beses lamang ginamit sa Bagong Tipan ang salitang ito (cf. Acts 11:26, 26:28, & 1 Pe. 4:16), at ayon sa kasaysayan ng sinaunang iglesya na naitala sa aklat ng Mga Gawa sa panulat ng doktor na si San Lucas, ang titulong ito ay unang ginamit sa Antioqua patungkol sa "mga alagad" ni Cristo (v. 11:26). Marahil ay pakana ng mga kalaban ng iglesya ang titulong ito bilang insulto sa kanilang pananampalataya gaya ng ipinahihiwatig sa mga salita ni San Pedro sa 1 Pe. 4:16:
  • "Mapalad kayo kung kayo'y kinukutya dahil kay Cristo, sapagkat sumasainyo ang Espiritu ng kaluwalhatian, ang Espiritu ng Diyos. Huwag nawa mangyarig maparusahan ang sinuman sa inyo dahil siya'y mamamatay-tao, magnanakaw, o salarin o pakialamero. Ngunit kung kayo'y magdusa dahil sa pagiiging Cristiano (Gk, Χριστιανός), huwag ninyong ikahiya ito; sa halip, magpasalamat kayo sa Diyos sapagkat taglay ninyo ang pangalan ni Cristo." (MBB)
May halo din ng pangungutya ang naging tugon ni haring Agripa matapos niyang marinig ang testimonya at depensa ni San Pablo tungkol sa ebanghelyo: "Sa loob ng maikling panahon ay ibig mo yatang maging Cristiano ako!" (Acts 26:28, MBB). Tila noong unang panahon ay nagdaan sa mabibigat na diskriminasyon, pangungutya, at paguusig ang mga Kristyano (berbal man o pisikal) sa ilalim ng bansag na ito.

Sa panahon ngayon kung kailan lumalaganap nanaman ang kaliwa't-kanang paguusig laban sa Kristyanismo (lalo na sa ilang mga bansa sa Gitnang Silangan kung saan nanggugulo ang mga pasaway na teroristang grupo na ISIS), ang katapangan natin sa pagdadala ng titulong Kristyano ay maaaring masubok sa 'di natin inaasahang pagkakataon at pamamaraan. Gayunpaman, bago natin maaaring paghandaan ang bagay na yan ay mayroong isang mahalagang katanungan na dapat muna nating itanong sa ating mga sarili: Ako ba ay isang tunay na Kristyano? 

Ang pangaral ni San Pedro sa 1 Pe. 4:14-16 na binasa natin kani-kanina lang ay para lamang sa mga tunay na Kristyano. Sila ang mga tagasunod ni (o sumusunod kay) Cristo Jesus na ating Panginoon. Ayon kay Jesus, "Kung tinutupad ninyo ang aking aral, kayo nga'y tunay na mga alagad ko" (Jn. 8:31, MBB). Samakatuwid, kung hindi mo tinutupad ang mga aral ng Panginoon ay hindi ka maaaring ibilang sa kaniyang mga alagad at hindi ka kasama dun sa mga sinabihan ng apostol na huwag nilang ikahiya ang pagiging Kristyano. Isa kang kahihiyan kay Cristo kung dinadala mo ang kaniyang pangalan ngunit hindi mo sinisikap lakaran ang kanyang kabanalan.

Totoong ang Kaligtasan natin ay natamo natin nang walang bayad sa pamamagitan ng pananalig at hindi dahil sa mga gawa (Jn. 3:16-18; Eph. 2:8-9). Wala ring pagtatalo na tayo'y kinupkop na ng Diyos bilang mga anak niya nang tanggapin natin si Cristo sa ating buhay bilang Panginoon at Tagapagligtas (Jn. 1:12). Ang pagiging tunay na Kristyano ay nagsisimula naman talaga sa sariling puso sa pamamagitan ng buong pagtitiwala lamang kay Jesus bilang tanging Tagapagligtas at buong pagsuko sa kaniya bilang Panginoon (Rom. 10:9-10). Ngunit hindi ito nagtatapos doon; kailangan mo itong patunayan sa harap ng ibang tao (Mat. 5:15-16; Jam. 2:18).

Lingid sa kaalaman ng marami, hindi lamang mga gang o fraternity (na karamihan ay mga salot sa lipunan) ang mayroong initiation rites. Ang Kristyanismo ay may sarili nang initiation rite mula pa noong itatag ito mga 2,000 taon na ang nakaraan! Ang initation rite na ito na nagsisilbing panlabas na paraan ng paganib sa Kristyanismo ay walang iba kundi ang bautismo sa tubig. Ito ang pangunahing panlabas na pagsunod ng isang makasalanan sa Panginoon matapos niyang isuko ang kaniyang buhay kay Cristo Jesus (Mat. 28:19-20; Acts 2:38, 41, 8:12-13 36-38, 10:47). Sa katunayan, walang sinumang mananampalataya sa alinmang pahina ng Bagong Tipan ang mapapatunayang hindi nabautismuhan (maliban doon sa magnanakaw na nakapako sa krus na walang pagkakataon noon na magpabautismo).

May mga simbahan na ipinagpapaliban ang pagbabautismo sa mga mananampalataya hangga't sila'y hindi pa nakakaunawa nang lubusan sa mga pangunahing doktrina ng Kristianismo (na kadalasan ay tumatagal ng ilang linggo, kung hindi man ay buwan). Ang masasabi ko'y walang basihan sa Biblia ang ganitong sistema. Nung araw ng Pentecost ay sumampalatya ang mahigit 3,000-katao at nabautismuhan din silang lahat sa mismong araw na iyon (Acts 2:41). Matapos marinig ng isang bating (o eunuch) ang ebanghelyo ay tinanong niya si Felipe kung pwede na ba siyang bautismuhan (Acts 8:30-36). Ang naging tugon ni Felipe sa kaniya? "Kung nananampalataya ka ng buong puso ay mangyayari" (tal. 37). Nang kumpirmahin ng bating na siya ay "sumasampalataya... na si Jesu-Cristo ay Anak ng Diyos," hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Felipe at agad niyang binautismuhan ang bating (tal. 38). Ilan lamang ito sa mga patunay na ang pagsampalataya kay Cristo at ang pagpapabautismo ay magkaugnay at di-mapaghihiwalay. Sa katunayan, ang pagpapabautismo ang siyang nagsisilbing panlabas na tatak ng ating pakikipag-isa kay Cristo (Rom. 6:4-8). Sa pamamagitan nito ay ibinibihis natin si Cristo sa ating mga buhay (Gal. 3:26-27) bilang patotoo na siya ang ating Panginoon at tayo'y mga alagad niya. Ito ang nagsisilbing monumento na tumatayong representasyon ng ating minsan at magpakailanmang pagsuko kay Cristo, paghuhugas ng ating mga kasalanan, at bagong buhay na natamo natin sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay.

Noong panahon ng mga apostol, sa tuwing gugunitain ng isang Kristyano ang kaniyang pagkakaligtas, ang nasa isip niya ay ang kaniyang bautismo at ang nirerepresenta nito (tingnan sa Rom. 6:2-8 & Gal. 3:26-27). Hindi ibig sabihin nito na nakakapagligtas ang bautismo o hindi maliligtas ang sinumang hindi bautistado. Bagkus, ang bautismo ang nagsisilbing kumpirmasyon na tunay ngang naborn-agen ang isang taong nais magpahayag ng pananalig kay Cristo. Ang "bautismo ngayon ay nagliligtas sa atin," wika ni San Pedro. "Hindi sa paglilinis ng karumihan ng makasalanang likas kundi ang tugon ng isang malinis na budhi sa Diyos. Ito ay sa pamamagitan ng pagkabuhay muli ni Jesucristo" (1 Pe. 3:21, SND).  Nakakalungkot isipin na sa panahon ngayon ay napaka-babaw na ng unawa ng maraming simbahan sa kahalagahan ng bautismo sa buhay ng isang Kristyano. Ito'y nagiging opsyonal na lamang para sa karamihan, at ang ipinalit na nila sa pwesto ng bautismo (bilang representasyon ng ating pananalig) ay ang pagsambit ng panalanging pagtanggap o sinner's prayer na wala namang basehan sa Kasulatan.

Kapatid, nais mo bang matawag na Kristyano? Sundin mo ang mga aral ng Panginoong Jesus. Ang unang pagsunod kay Jesus ay ang paglalagak ng pananalig sa kanya (Rom. 5:1, 8:1). Kung isinuko mo na ang buhay mo kay Cristo, bakit hindi mo siya ibihis sa iyong pagkatao sa pamamagitan ng bautismo? "Sapagkat sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus kayong lahat ay naging mga anak ng Diyos," ayon kay San Pablo. "Ito ay sapagkat lahat kayong binawtismuhan kay Cristo, ay ibinihis ninyo si Cristo" (Gal.  3:26-27). Huwag mong sarilinin ang commitment mo kay Jesus. Sa paningin ng ibang mga tao ay ikaw parin yung dating tao na nakilala nila. Upang malaman nila na iba ka na, dapat mo itong ipakita sa iyong mga gawa o sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa mga aral ni Cristo. Huwag nating gayahin ang mga pasaway na Judiong mananampalataya sa Jam. 2:14-24 na pinagalitan ni San Tyago sapagkat inaangkin nila na sila'y may pananampalataya pero puro lang sila ngawa at di sila makitaan ng gawa. Kaya naman, ang pagangkin natin sa pangalang Kristyano ay hindi lang din dapat sa ngawa, kundi sa pamamagitan din ng gawa.

Amen?

- Jeph

Thursday, March 12, 2015

Nagbibigay ba ang Diyos ng mga utos na hindi natin kayang tuparin?

"Lord, grant what thou commandest, 
and command what thou wilt." 

Ito ang mapagpakumbabang panalangin ng isang Aprikanong obispo noong ika-5 siglo kung saan ay hiniling niyang ipagkaloob sa kaniya ang pagiging masunurin sa mga utos ng Diyos. Ipinapakita ng panalanging ito na tayo, bilang mga makasalanan, ay nangangailangan ng tulong ng Panginoon sa paglakad natin sa kabanalan. Ngunit sino ang magaakala na ang simpleng panalanging ito ang siyang magu-udyok sa pagsisimula ng isa sa mga pinaka-malalaking talakayan (o debate) sa kasaysayan ng Cristianismo hanggang sa kasalukuyang panahon? 

Ang panalanging nabanggit ay galing kay San Agustin na nanungkulan bilang obispo sa lunsod ng Hippo noong 391 hanggang siya'y namatay noong 430 AD. Ipinangaral niyang ang Kaligtasan at paglakad natin sa kabanalan ay nakasalalay unang-una sa lahat sa pagkilos ng biyaya ng Diyos sa ating mga puso. Ito ang kahulugan ng mga katagang, "grant what thou commandest" sa kanyang sikat na panalangin. 

Ngunit kung sa Diyos nakasalalay ang pagsunod natin sa kanyang mga utos, nangangahulugan ito na wala tayong likas na kakayahang sumunod sa Diyos; at kung gayon nga, lalabas na naguutos ang Diyos ng mga bagay na imposible nating matupad. At kung ang ipinaguutos ng Diyos sa atin ay imposible nating matupad malibang ipagkaloob niya sa atin ang pagsunod, bakit pa niya tayo sinisisi kapag nagkakasala tayo? Kasalanan parin ba natin kung hindi niya pinagkaloob sa atin ang pagsunod?

Yan ay ilan lamang sa mga tanong na umikot sa isipan ng isang moralistang monghe na si Pelagius (na nasa Roma noong kapanahunan din ni San Agustin) kaugnay ng panalangin sa itaas. Iginiit ni Pelagius, bilang protesta sa mga katuruan ni San Agustin, na dahil nilikha tayong lahat ng Diyos na likas na mabuti at ayon sa kanyang sariling wangis, tayo ay may sapat at likas na kakayahang maging masunurin sa kaniyang mga utos. Tayo ay binigyan ng Diyos ng "freewill" o kalayahan/kakayahang pumili sa pagitan ng mabuti o masama. At dahil ika niya'y taglay na natin sa ating mga sarili ang kakayahang maging matuwid, isang insulto umano sa Diyos na ipanalangin pa sa kaniya na masunod nawa natin ang mga utos niya. Kung tutuusin, ika ni Pelagius, ang pagiging banal natin ay naka-depende lang sa tamang paggamit natin sa kakayahang inalagay na ng Diyos sa ating kalikasan (o nature). Sa katunayan pa nga, ayon kay Pelagius, ay maaari tayong maging perpekto at walang-sala kung nanaisin lamang natin, at kung may tulong man na ibinibigay ang Diyos sa tao, yun ay ang ipaalam lamang sa tao ang mga katotohanan na dapat niyang paniwalaan at sundin. Kumbaga, ang tulong na binibigay ng Diyos ay eksternal lamang, hindi internal

Matapos ang mahabang debate sa pagitan nina San Agustin at Pelagius ay nagpasya ang Simbahan na ibilang ang mga aral ni Pelagius (i.e. Pelagianism) sa hanay ng mga hidwang-aral (heretical teachings) na dapat tanggihan ng bawat Cristiano. Ngunit anong naging basehan ng sinaunang Simbahan sa pag-kundena sa mga katuruan ng Pelagianismo? Hindi ba't may pilosopikal na katuwiran naman ang mga sentimyento ni Pelagius? 

Ang mga aral ng Pelagianism ay itinayo ni Pelagius, unang-una sa lahat, sa mga pilospikal na sentimyento, at hindi sa Salita ng Diyos. Mali ang kaniyang pinanggalingan, kaya mali rin ang pinatunguhan ng kanyang mga konklusyon. Inuna niya ang kanyang mga pilosopikal na presuposisyon bago niya kinunsulta ang Salita ng Diyos, sa halip na kunsultahin muna ang Salita ng Diyos bago pagtagpi-tagpiin ang mga pilosopikal na implikasyon ng mga ito. 

Halimbawa, mababasa natin sa 2 Tim. 2:25 kung paano sinabihan ni San Pablo ang batang-bata pang pastor na si Timoteo na "sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Diyos ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan." Hindi ito sasabihin ng apostol kung ang tanging tulong lamang na ibinibigay ng Diyos sa mga makasalanan ay ang ipakita sa kanila ang katotohanan at kung ang pag-talima ng tao ay nakasalalay lamang sa kaniyang sarili. Ang mga katagang "baka sakaling sila'y pagkalooban ng Diyos ng pagsisisi" ay maliwanag na nagpapakita na ang pagsisisi ay kaloob (gift) ng Diyos na hindi niya ipinagkakaloob sa lahat (Rom. 9:15-18, 11:6-8). Maliwanag ding kinokontra ng talatang ito ang kaisipang "kung ipinagutos, samakatuwid ay may kakayahan tayong sumunod," sapagkat ayon sa talata - ang mga pasaway ay dapat daw "sawaying may kaamuan"—o sa madaling salita ay dapat silang hikayatin magsisi sa pamamagitan ng pangangaral ng katotohanan sa malumanay na paraan—ngunit ang kakayahang magsisi (at maging ang mismong pagsisisi) ayon sa apostol ay nakasalalay parin sa pagkakaloob ng Diyos (i.e. "baka sakaling ipagkaloob sa kanila ng Diyos ang pagsisisi"). 

Ganyan-ganyan din ang prinsipyo na makikita natin sa Php. 2:12-13. Sa talata 12 ay ipinaguutos ng apostol sa atin na "lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas"—na ang kahulugan ay ipamalas natin ang bunga ng pagiging ligtas na natin sa pamamagitan ng paglakad sa kabanalan. Dahil ba ipinagutos ito ay iisipin na nating may likas na kakayahan tayong tuparin ito? At kapag natupad ba natin ito ay maaari natin ipagmapuri na nagawa natin yun dahil sa sarili nating desisyon at lakas? Hindi! Ayon sa apostol, dapat nating lubusin ang gawain ng ating pagkaligtas "na may takot at panginginig," o may buo at sukdulang pagpapakumbaba. Bakit? Bakit kailangan magpakumbaba nang sukdulan? "Sapagka't," ayon sa apostol sa sumunod na talata, "Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban"! Sa Ingles, "For it is God who is the cause of your desire and of your acts, for his good pleasure" (BBE). Samakatuwid, hindi natin yun matutupad nang hiwalay sa pagkilos ng biyaya ng Diyos; "sapagkat kung kayo'y hiwalay sa akin," sabi ni Jesus, "ay wala kayong magagawa" (Jn. 15:5). 

Siguro iniisp mo: bakit ipinaguutos ng Diyos ang mga bagay na di natin kayang gawin? Para ba pag-tripan lang tayo? May magagagawa ba ako kung hindi niya ipagkakaloob sa akin ang "pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban"? Masisisi niya ba ako sa mga pagkukulang ko? 

Ang sagot ng apostol sa tanong na iyan ay ganito:

"Nguni't, Oh tao, sino kang tumututol sa Diyos? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito? O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalayok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa'y sa ikahihiya?" (Rom. 9:20-21)

Bilang mga makasalanan, tayong lahat ay pawang mga maruruming putik lamang na ang kapalaran (o destiny) ay nakasalalay sa mabuting pasiya ng matuwid na Magpapalayok.. Hindi kasalanan ng Diyos kung bakit tayo napa-alipin sa Kasalanan at naging mga maruruming putik sa kaniyang harapan; kagagawan natin yun! (Ecc. 7:29; Rom. 5:12; Eph. 2:1-3). Kaya kahit pa walang pagkalooban ang Diyos ng pagtalima, at ihagis tayong lahat sa impyerno nang sabay-sabay (dahil sa karumihan ng ating mga puso na walang pagnanasang sumunod sa kanya - Ecc 9:3; Jer. 17:9; Rom.8:7-8), makatarungan parin siya! Samantalata, kung pagpasiyahan niyang gawing "sisidlan ng awa" ang isang lumpak ng putik, at gawing "sisidlan ng galit" ang iba pa (Rom. 9:22-24)—walang maipagmamayabang ang una, at walang maidadahilan ang huli.

Ngayon kung ipinaguutos man ng Diyos ang mga bagay na hindi natin kayang tuparin, iyon ay upang turuan tayong humingi ng tulong sa kaniya, at upang turuan tayong maging mapagpakumbaba kung sakaling matupad natin ito sa pamamagitan ng kaniyang biyaya. Sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala—hindi ng sarili nating kakayahan (wala tayo nun!)—kundi "ang pagkakilala ng kasalanan" (Rom. 3:20). Yan ang diwa ng panalangin ni San Agustin sa itaas. 

Kapatid, ikaw ba ay wala pang pagnanasa na sumunod sa Diyos? Manalangin ka, sapagkat sa Panginoon nanggagaling ang "pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban." (Php. 2:13)

Pero dahil ba sa Diyos nagmumula ang pagnanasa nating sumunod ay pwede na tayong paupo-upo na lang? Hindi! Bagkus tumayo ka at "lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig." (tal. 12)

Ngunit kapag nakatayo ka na ba't masunurin na ay pwede mong angkinin ang kapurihan para sa sarili mo? Huwag! Sapagkat "Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban." (tal. 13)

Tayo ay responsable sa ating mga ginagawa, ngunit Diyos lamang ang dapat papurihan sa anumang kabutihan na ating nagagawa dahil sa pagkilos ng kanyang biyaya. Ang dalawang prinsipyong ito ay dapat maging balanse sa ating mga buhay upang maiwasan ang katamaran at pagmamayabang. 

- Jeph

Wednesday, July 17, 2013

You want shorter stay in Purgatory when you die? Follow the Pope on twitter now!

Roman Catholic works-salvation goes digital when Vatican issued a decree announcing that those who follow the Pope on twitter will actually gain 'plenary indulgences' (which, according to Catholic doctrinereduce the time spent in purgatory for sins committed). 

See this article in the Guardian newspaper here for more information on how to take advantage of this newest salvation-promo from Vatican!

-Jeph
.

Friday, May 17, 2013

A Gentle Reminder for Christian Ladies


Just couldn't help but share this wonderfully written article by a godly friend from my seminary days. I stumbled across this post on facebook and I find it very concise, yet straight-forward, powerful and timely that I recommend everyone to share it too!

Read on and be reminded, ladies.
Written by Mark Evasco (link
Much has been said about a women's dress. Some said, "It should cover the sole of your feet!", while others simply say, "That's foolishness. God looks on the heart, not the outward appearance (Nice try, though!)." Let's look at what the Bible says, and where should a Godly woman stand. Note that I am saying this because I'm concerned.  
"In like manner also, that women adorn themselves in modest apparel, with SHAMEFACEDNESS and SOBRIETY; not with broided hair, or gold, or pearls, or costly array." 1 Timothy 2:9 KJV
Let me start by saying that the issue here is not the hemline, but the heart. It all starts with the heart. Now I look at these two words in the dictionary and find their definitions: 
SHAMEFACEDNESS - Extremely modest or shy; bashful.
SOBRIETY - the quality or state of being sober; marked by sedate or gravely or earnestly thoughtful character or demeanor; marked by temperance, moderation, or seriousness (in short terms - SELF CONTROL) 
Apostle Paul, commands the women of the church to wear something that is extremely modest, one that is under self-control. Now the questions that are to be asked are this:
  1. Does my dress edify believers and glorify God or does it make me feel that I'm the center of attention and all eyes are on me? 
  2. Whose approval do I desire and who wins over what I wear, the flesh or the spirit?
  3. Am I dressing to impress people or to obey God? 
  4. Am I dressing because of what the Scripture says or what the culture dictates? 
  5. Who inspires your dress and who does it identify with? Is it the women in the Bible or the women of the world? 
Now you might say that is too "legalistic", too "strict", and that we are living under Grace now. That is true, your heart should be motivated by the grace of God! Would wearing mini-skirts be considered as motivated by the grace of God? 
Christian women, your dress is a public testimony of your private convictions. Now, don't get me wrong. You can wear modest apparel and not honor God, but I tell you this, you cannot honor God and not wear modest apparel. 
Ask yourself this question, what is most alluring about you, your clothing or your character? You are not wearing clothes to flaunt your beauty but it is part of you being a witness to Christ. Do they see the change in you? If you were beside an unbeliever, would there be a distinction? You dress not to impress, but you dress for others to be blessed! Christian women, I hope your desire is that they may see more of God and less of you.
And just one final remark: If you don't sell yourself, please don't advertise!

God bless!

~Jeph