Thursday, March 12, 2015

Nagbibigay ba ang Diyos ng mga utos na hindi natin kayang tuparin?

"Lord, grant what thou commandest, 
and command what thou wilt." 

Ito ang mapagpakumbabang panalangin ng isang Aprikanong obispo noong ika-5 siglo kung saan ay hiniling niyang ipagkaloob sa kaniya ang pagiging masunurin sa mga utos ng Diyos. Ipinapakita ng panalanging ito na tayo, bilang mga makasalanan, ay nangangailangan ng tulong ng Panginoon sa paglakad natin sa kabanalan. Ngunit sino ang magaakala na ang simpleng panalanging ito ang siyang magu-udyok sa pagsisimula ng isa sa mga pinaka-malalaking talakayan (o debate) sa kasaysayan ng Cristianismo hanggang sa kasalukuyang panahon? 

Ang panalanging nabanggit ay galing kay San Agustin na nanungkulan bilang obispo sa lunsod ng Hippo noong 391 hanggang siya'y namatay noong 430 AD. Ipinangaral niyang ang Kaligtasan at paglakad natin sa kabanalan ay nakasalalay unang-una sa lahat sa pagkilos ng biyaya ng Diyos sa ating mga puso. Ito ang kahulugan ng mga katagang, "grant what thou commandest" sa kanyang sikat na panalangin. 

Ngunit kung sa Diyos nakasalalay ang pagsunod natin sa kanyang mga utos, nangangahulugan ito na wala tayong likas na kakayahang sumunod sa Diyos; at kung gayon nga, lalabas na naguutos ang Diyos ng mga bagay na imposible nating matupad. At kung ang ipinaguutos ng Diyos sa atin ay imposible nating matupad malibang ipagkaloob niya sa atin ang pagsunod, bakit pa niya tayo sinisisi kapag nagkakasala tayo? Kasalanan parin ba natin kung hindi niya pinagkaloob sa atin ang pagsunod?

Yan ay ilan lamang sa mga tanong na umikot sa isipan ng isang moralistang monghe na si Pelagius (na nasa Roma noong kapanahunan din ni San Agustin) kaugnay ng panalangin sa itaas. Iginiit ni Pelagius, bilang protesta sa mga katuruan ni San Agustin, na dahil nilikha tayong lahat ng Diyos na likas na mabuti at ayon sa kanyang sariling wangis, tayo ay may sapat at likas na kakayahang maging masunurin sa kaniyang mga utos. Tayo ay binigyan ng Diyos ng "freewill" o kalayahan/kakayahang pumili sa pagitan ng mabuti o masama. At dahil ika niya'y taglay na natin sa ating mga sarili ang kakayahang maging matuwid, isang insulto umano sa Diyos na ipanalangin pa sa kaniya na masunod nawa natin ang mga utos niya. Kung tutuusin, ika ni Pelagius, ang pagiging banal natin ay naka-depende lang sa tamang paggamit natin sa kakayahang inalagay na ng Diyos sa ating kalikasan (o nature). Sa katunayan pa nga, ayon kay Pelagius, ay maaari tayong maging perpekto at walang-sala kung nanaisin lamang natin, at kung may tulong man na ibinibigay ang Diyos sa tao, yun ay ang ipaalam lamang sa tao ang mga katotohanan na dapat niyang paniwalaan at sundin. Kumbaga, ang tulong na binibigay ng Diyos ay eksternal lamang, hindi internal

Matapos ang mahabang debate sa pagitan nina San Agustin at Pelagius ay nagpasya ang Simbahan na ibilang ang mga aral ni Pelagius (i.e. Pelagianism) sa hanay ng mga hidwang-aral (heretical teachings) na dapat tanggihan ng bawat Cristiano. Ngunit anong naging basehan ng sinaunang Simbahan sa pag-kundena sa mga katuruan ng Pelagianismo? Hindi ba't may pilosopikal na katuwiran naman ang mga sentimyento ni Pelagius? 

Ang mga aral ng Pelagianism ay itinayo ni Pelagius, unang-una sa lahat, sa mga pilospikal na sentimyento, at hindi sa Salita ng Diyos. Mali ang kaniyang pinanggalingan, kaya mali rin ang pinatunguhan ng kanyang mga konklusyon. Inuna niya ang kanyang mga pilosopikal na presuposisyon bago niya kinunsulta ang Salita ng Diyos, sa halip na kunsultahin muna ang Salita ng Diyos bago pagtagpi-tagpiin ang mga pilosopikal na implikasyon ng mga ito. 

Halimbawa, mababasa natin sa 2 Tim. 2:25 kung paano sinabihan ni San Pablo ang batang-bata pang pastor na si Timoteo na "sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Diyos ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan." Hindi ito sasabihin ng apostol kung ang tanging tulong lamang na ibinibigay ng Diyos sa mga makasalanan ay ang ipakita sa kanila ang katotohanan at kung ang pag-talima ng tao ay nakasalalay lamang sa kaniyang sarili. Ang mga katagang "baka sakaling sila'y pagkalooban ng Diyos ng pagsisisi" ay maliwanag na nagpapakita na ang pagsisisi ay kaloob (gift) ng Diyos na hindi niya ipinagkakaloob sa lahat (Rom. 9:15-18, 11:6-8). Maliwanag ding kinokontra ng talatang ito ang kaisipang "kung ipinagutos, samakatuwid ay may kakayahan tayong sumunod," sapagkat ayon sa talata - ang mga pasaway ay dapat daw "sawaying may kaamuan"—o sa madaling salita ay dapat silang hikayatin magsisi sa pamamagitan ng pangangaral ng katotohanan sa malumanay na paraan—ngunit ang kakayahang magsisi (at maging ang mismong pagsisisi) ayon sa apostol ay nakasalalay parin sa pagkakaloob ng Diyos (i.e. "baka sakaling ipagkaloob sa kanila ng Diyos ang pagsisisi"). 

Ganyan-ganyan din ang prinsipyo na makikita natin sa Php. 2:12-13. Sa talata 12 ay ipinaguutos ng apostol sa atin na "lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas"—na ang kahulugan ay ipamalas natin ang bunga ng pagiging ligtas na natin sa pamamagitan ng paglakad sa kabanalan. Dahil ba ipinagutos ito ay iisipin na nating may likas na kakayahan tayong tuparin ito? At kapag natupad ba natin ito ay maaari natin ipagmapuri na nagawa natin yun dahil sa sarili nating desisyon at lakas? Hindi! Ayon sa apostol, dapat nating lubusin ang gawain ng ating pagkaligtas "na may takot at panginginig," o may buo at sukdulang pagpapakumbaba. Bakit? Bakit kailangan magpakumbaba nang sukdulan? "Sapagka't," ayon sa apostol sa sumunod na talata, "Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban"! Sa Ingles, "For it is God who is the cause of your desire and of your acts, for his good pleasure" (BBE). Samakatuwid, hindi natin yun matutupad nang hiwalay sa pagkilos ng biyaya ng Diyos; "sapagkat kung kayo'y hiwalay sa akin," sabi ni Jesus, "ay wala kayong magagawa" (Jn. 15:5). 

Siguro iniisp mo: bakit ipinaguutos ng Diyos ang mga bagay na di natin kayang gawin? Para ba pag-tripan lang tayo? May magagagawa ba ako kung hindi niya ipagkakaloob sa akin ang "pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban"? Masisisi niya ba ako sa mga pagkukulang ko? 

Ang sagot ng apostol sa tanong na iyan ay ganito:

"Nguni't, Oh tao, sino kang tumututol sa Diyos? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito? O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalayok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa'y sa ikahihiya?" (Rom. 9:20-21)

Bilang mga makasalanan, tayong lahat ay pawang mga maruruming putik lamang na ang kapalaran (o destiny) ay nakasalalay sa mabuting pasiya ng matuwid na Magpapalayok.. Hindi kasalanan ng Diyos kung bakit tayo napa-alipin sa Kasalanan at naging mga maruruming putik sa kaniyang harapan; kagagawan natin yun! (Ecc. 7:29; Rom. 5:12; Eph. 2:1-3). Kaya kahit pa walang pagkalooban ang Diyos ng pagtalima, at ihagis tayong lahat sa impyerno nang sabay-sabay (dahil sa karumihan ng ating mga puso na walang pagnanasang sumunod sa kanya - Ecc 9:3; Jer. 17:9; Rom.8:7-8), makatarungan parin siya! Samantalata, kung pagpasiyahan niyang gawing "sisidlan ng awa" ang isang lumpak ng putik, at gawing "sisidlan ng galit" ang iba pa (Rom. 9:22-24)—walang maipagmamayabang ang una, at walang maidadahilan ang huli.

Ngayon kung ipinaguutos man ng Diyos ang mga bagay na hindi natin kayang tuparin, iyon ay upang turuan tayong humingi ng tulong sa kaniya, at upang turuan tayong maging mapagpakumbaba kung sakaling matupad natin ito sa pamamagitan ng kaniyang biyaya. Sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala—hindi ng sarili nating kakayahan (wala tayo nun!)—kundi "ang pagkakilala ng kasalanan" (Rom. 3:20). Yan ang diwa ng panalangin ni San Agustin sa itaas. 

Kapatid, ikaw ba ay wala pang pagnanasa na sumunod sa Diyos? Manalangin ka, sapagkat sa Panginoon nanggagaling ang "pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban." (Php. 2:13)

Pero dahil ba sa Diyos nagmumula ang pagnanasa nating sumunod ay pwede na tayong paupo-upo na lang? Hindi! Bagkus tumayo ka at "lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig." (tal. 12)

Ngunit kapag nakatayo ka na ba't masunurin na ay pwede mong angkinin ang kapurihan para sa sarili mo? Huwag! Sapagkat "Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban." (tal. 13)

Tayo ay responsable sa ating mga ginagawa, ngunit Diyos lamang ang dapat papurihan sa anumang kabutihan na ating nagagawa dahil sa pagkilos ng kanyang biyaya. Ang dalawang prinsipyong ito ay dapat maging balanse sa ating mga buhay upang maiwasan ang katamaran at pagmamayabang. 

- Jeph

Wednesday, July 17, 2013

You want shorter stay in Purgatory when you die? Follow the Pope on twitter now!

Roman Catholic works-salvation goes digital when Vatican issued a decree announcing that those who follow the Pope on twitter will actually gain 'plenary indulgences' (which, according to Catholic doctrinereduce the time spent in purgatory for sins committed). 

See this article in the Guardian newspaper here for more information on how to take advantage of this newest salvation-promo from Vatican!

-Jeph
.

Friday, May 17, 2013

A Gentle Reminder for Christian Ladies


Just couldn't help but share this wonderfully written article by a godly friend from my seminary days. I stumbled across this post on facebook and I find it very concise, yet straight-forward, powerful and timely that I recommend everyone to share it too!

Read on and be reminded, ladies.
Written by Mark Evasco (link
Much has been said about a women's dress. Some said, "It should cover the sole of your feet!", while others simply say, "That's foolishness. God looks on the heart, not the outward appearance (Nice try, though!)." Let's look at what the Bible says, and where should a Godly woman stand. Note that I am saying this because I'm concerned.  
"In like manner also, that women adorn themselves in modest apparel, with SHAMEFACEDNESS and SOBRIETY; not with broided hair, or gold, or pearls, or costly array." 1 Timothy 2:9 KJV
Let me start by saying that the issue here is not the hemline, but the heart. It all starts with the heart. Now I look at these two words in the dictionary and find their definitions: 
SHAMEFACEDNESS - Extremely modest or shy; bashful.
SOBRIETY - the quality or state of being sober; marked by sedate or gravely or earnestly thoughtful character or demeanor; marked by temperance, moderation, or seriousness (in short terms - SELF CONTROL) 
Apostle Paul, commands the women of the church to wear something that is extremely modest, one that is under self-control. Now the questions that are to be asked are this:
  1. Does my dress edify believers and glorify God or does it make me feel that I'm the center of attention and all eyes are on me? 
  2. Whose approval do I desire and who wins over what I wear, the flesh or the spirit?
  3. Am I dressing to impress people or to obey God? 
  4. Am I dressing because of what the Scripture says or what the culture dictates? 
  5. Who inspires your dress and who does it identify with? Is it the women in the Bible or the women of the world? 
Now you might say that is too "legalistic", too "strict", and that we are living under Grace now. That is true, your heart should be motivated by the grace of God! Would wearing mini-skirts be considered as motivated by the grace of God? 
Christian women, your dress is a public testimony of your private convictions. Now, don't get me wrong. You can wear modest apparel and not honor God, but I tell you this, you cannot honor God and not wear modest apparel. 
Ask yourself this question, what is most alluring about you, your clothing or your character? You are not wearing clothes to flaunt your beauty but it is part of you being a witness to Christ. Do they see the change in you? If you were beside an unbeliever, would there be a distinction? You dress not to impress, but you dress for others to be blessed! Christian women, I hope your desire is that they may see more of God and less of you.
And just one final remark: If you don't sell yourself, please don't advertise!

God bless!

~Jeph

Monday, February 25, 2013

Dr. James White vs. Dr. Michael Brown on Calvinism

Here's a peaceful and definitely God-honoring three-part discussion between Dr. James White (5-point Calvinist and director of Alpha and Omega Ministries) and Dr. White Brown (staunch proponent of Libertarianism and host of the Line of Fire radio program) concerning one of the most controversial topics in Christian theology - God's Sovereignty in Salvation.

Part I (audio only)
Part II (audio only)
Part III (audio only)

Source: http://winteryknight.wordpress.com

I commend both Dr. White and Dr. Brown for being consistently gracious in all their exchanges. May God use this debate to enrich many of His children with the knowledge of His truth. To God be the Glory!

- Jeph

Sunday, February 10, 2013

InstaLove: #my Picture of Perfect Love


Ito yung bagong series sa youth service sameng church. February na kasi kaya dapat lang siguro na itampok ang issue na ito. (parang ang lalim nun ah "itampok). Well, alam naman naten ang mga kabataan pagdating sa usapin na ito ay naku parang may built na bulati sa katawaan at lagi silang kinikiliti haha.

Pagpasensyahan nyo na kung parang impormal ang aking pag ba blog ngayon. Ilang araw nakong hinde makabuo ng maayos na article. Kung makikita nyo nga ang dashboard ng munti naming blog na ito naku may mga nakatambak pako na kelangan i edit bago i publish. Kaya naisipan ko na magsulat na parang nagke kwento lang. Yung chill lang, yung parang wala lang. Yung walang sukat, walang rules. Baka mapagsabihan nako ng mga kasama kong author dito haha. Usapan namen mga doctrinal issues ng Christianity ang ididiscuss eh. Pero kakasawa na minsan, subalit datapwat hinde naten maiiwasan ang doktrina, pero sana naman ma discuss sya sa isang hinde boring na paraan.

O sya bakit ba yung writing style ko sinasabi ko, Tungkol nga pala sa pag ibig ang isusulat ko (o ita type kasi sa laptop ko naman ginagawa at hinde sa papel). Nong nakaraang Friday si Coach Mar (coach kasi tawag namen sa mga leaders hehehe yung #couldthisbelove.

Ano ba talaga ang pag ibig ? Sabi nila dapat daw i define naten to base sa perspektibo ng Dios. Sabi ng iba dapat biblikal ? Sabi ng iba kung ano ang nasa puso mo sundin mo.

Well, ayokong magdiscuss ng pagkahaba haba tungkol dito, kasi kahit ako minsan madalas sablay pagdating sa usaping ito. Kahit nga mga kilalang philosopher ng kasaysayan naiimbierna kapag love na ang topic (imbierna talaga ang term hahaha).

Teka, madaling araw na wala pakong naisusulat na matino. Ni hinde ko nga alam kung ano ang aking isusulat eh. Antayin ko na lang ba matapos ang series bago ako magsulat ? Hahaha, puro tawa na lang ako. Kwento ng kwento wala namang kwenta ang pinagsasabi ko haha.

Ayaw kong i discuss yung 3 greek words ng love na ginamit sa bible (agape, eros, fileo) kasi nosebleed yun at hinde ako bible scholar. Isa lamang akong cute at gwapong coach hahaha.

O sya magtitino na. Hinde nako mag dedefine, masyadong malawak ang salitang pag ibig para ikulong ko sa website na ito. Sa iilang letra na tinitipa ng aking mga daliri upang maka buo lamang ng isang artikulo hehe. Magkekwento na lang ako.

May isang lalake, may nagustuhan siyang isang babae. Gustong gusto niya ito, dahil dun kinausap nya ang tatay nung babae.

Bidang lalake: uhhhm tito manliligaw po sana ako sa inyong anak. yung pangalawa po.
Tatay nong babae: Aba iho kelangan mong mag antay at magsilbi sakeng kumpanya ng 7taon.
Bidang lalake: (wow huh) oo ba basta sa aking minamahal walang problema.

Makalipas ng 7taon.

Bidang lalake: uhhm tito ok na yung pagsisilbi ko sayo. Puede na ba akong manligaw sa anak mo.
Tatay nong babae: Sige mayang gabi mag date kayo. Puntahan mo na lang sya sa mang inasal ng alas 7 ng gabi
Bidang lalake: Ayos,

Nagmamadali ang binata. Nagpagupit, naligo ng halos 2 oras, nagpabango at kung ano ano pa. Pagdating niya sa mang inasal.

Bidang lalake: o ate bantay ka sa date namen. Asan na nga pala kapatid mo
Ate: Sabi ni tatay eh ako nalang daw ang ka date mo.
Bidang lalake: Hinde naman pupuede yun. Tara punta tayo kay tatay mo.

Makaraan ang ilang minuto.

Bidang lalake: Sir kala ko malinaw ang usapan namen na yung pang 2 mong anak na babae ang ide date ko. Siya ang mahal ko.
Tatay nong babae: Iho, sa pamilya namen kelangan mauna munag magboypren ang panganay.
Bidang lalake: Pero yung pang 2 po yung mahal ko....
Tatay nong babae: Sige papayag ako pero magsisilbi ka uli sa kumpanya ko sa loob uli ng 7 years.


Hanggang dumating ang panahon na naging girlfriend na niya yung babae. Yung kwento ginaya ko lang ito sa Genesis 29. Noong si Jacob ay nagsilbi kay Laban para sa puso ni Rachel. Sabi sa verse20.

20 So Jacob served seven years for Rachel, and they seemed to him but a few days because of the love he had for her.

O kitams, sabi ng biblia kahit na pitong taon ang ipinagsilbi ni Jacob kay Laban, para sa kanya ay saglit na panahon lang. Nakaka kilig para sa mga babae hehe. Pero hinde ko lang kayo gusto kiligin. Nais kong sabihin na ang tunay na pag ibig ay marunong mag antay at matiyaga hanggang dumating ang tamang panahon. Merong isang song na gustong gusto ko dati



Kaya mo bang mag antay at mangako sa iyong manlilikha hanggang dumating ang araw na maririnig mo ang tinig ng Dios na nangungusap sa puso mo. "Nak sya ang nilikha ko para sayo".

Ako natagpuan ko na :). Masarap sa pakiramdam, masaya at worth it. Ilang relasyon na din ang napag daanan ko hanggang sa makilala ko siya. Gusto ko na siyang pakasalan (ssssh wag kayong maingay ha, hinde ko pa sya inaaya hahaha baka naman maunahan nyo pako magsabi sa kaniya hahah), pero may pangako ako sa mga magulang niya. Na dapat maabot nya ang mga pangarap niya at nakapag silbi muna sya sa pamilya niya bago ko sya ayain. Mahirap mag antay lalo na at malapit nakong mag 29 hehe. Pero masarap mag antay kasi alam mong inilaan ng Diyos ito para iyo :)

O sya, hinde ang love life ko ang topic dito hahaha. Tulad ng madalas kong tanong sa mga student palang. Tapos nyo na ba assignment nyo ? hahaha. Mag aral muna ng mabuti dahil pag naka graduate kayo gugustuhin nyong mag aral uli. 

Kita kits tayo sa Biernes. Gawa na ang phone ko kaya picture picture uli ahahaha. God bless.


Friday, January 18, 2013

Pagsamba at Pakikibaka

Minsan, isang gabi nakasakay kame ng kapatid ko sa jeep, meron isang batang sumakay na marumi ang mga pisngi at mga kuko na parang kumakanta at nagsasalita. Sabi niya "Mga manong, mga manang penge naman pong pambili ng tinapay, sige na ho, sige na", paulit ulit niya itong sinasabi na parang may tono pa. 

Maraming ganito ang mga nasa lansangan, sumasakay sa mga pampasaherong jeep, nangangatok sa mga bintana ng mga magagarang sasakyan at nakakalat sa buong kamaynilaan. Merong mga bata, matatanda, buntis, may ngipin, bulag, at kung ano ano pa. Mga taong tila kinalimutan na at itinakwil ng lipunan. Mga taong animo'y wala ng pag asa ang buhay. 

Habang tayo ay natutulog sa isang komportableng higaan sila naman ay natutulog sa malamig at maduming semento ng kalsada. Habang tayo'y kumakain ng lagpas 3 beses sa loob ng isang araw, sila naman ay maswerte kung makakain ng kahit isang beses sa isang araw. Habang tayong mga Kristiyano ay nakataas ang mga kamay sa pagsamba sa Dios, sila naman ay unti unting nagiging patapon ang buhay. 

Bilang mga Kristiyano, mga taong nagmamahal sa Dios. Sapat na ba na tayo ay meron isang langit na patutunguhan ? Sapat naba na tayo ay nagsisimba tuwing araw ng Linggo (at minsan hinde lang linggo ? Sapat naba na tayo ay manalangin ? Sapat na ba na tayo ay umaattend ng ating mga Bible studies ?

Meron ganitong mga pangungusap ang Dios na nakatala sa banal na kasulatan.

Amos 5
21Aking kinapopootan, aking hinahamak ang inyong mga kapistahan, at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang kapulungan.

22Oo, bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na harina, hindi ko tatanggapin; ni akin mang kalulugdan ang mga handog tungkol sa kapayapaan na inyong mga matabang hayop.
23Ihiwalay mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit; sapagka't hindi ko didinggin ang tinig ng iyong mga biola.
24Kundi bumugso ang katarungan na parang tubig, at ang katuwiran na parang malakas na agos.

Isaias 1

13Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay; kamangyan ay karumaldumal sa akin; ang bagong buwan, at ang sabbath, ang tawag ng mga kapulungan, hindi ako makapagtitiis ng kasamaan at ng takdang pulong.
14Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan: mga kabagabagan sa akin; ako'y pata ng pagdadala ng mga yaon.
15At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking ikukubli ang aking mga mata sa inyo: oo, pagka kayo'y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin: ang inyong mga kamay ay puno ng dugo.
16Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan:
17Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo ang babaing bao.

Kung mapapansin naten na ang Dios ay hinde nalulugod sa mga uri ng pagsamba ang ginagawa ng mga Israelita. Bagamat ito'y alay sa Dios at ito ay itinakda ng Dios (basahin ang 5 unang aklat ng Lumang Tipan para malaman ang mga bagay na dapat gawin ng mga lingkod ng Dios), ito pa din ay inayawan ng ating Dios na buhay. Sa kadahilanang walang hustisya sa kapaligiran. Marami ang nagugutom, ang napipighati, mga walang makain o mainom na malinis na inumin man lang. Meron ganyang pangungusap ang ating Panginoong JesuCristo nong Siya pa ay nasa katawang tao.

Mateo 2323Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba't ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa't dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba.

Napakaimportante na tayo ay sumasamba sa Dios sa pamamagitang ng mga awiting pagsamba. Napakaimportante sa isang Cristiano na laging magpunta sa kapilya. 

 NGUNIT, habang tayo ay na papayabong ang buhay spiritwal, padami ng padami ang mga taong namamatay sa lansangan dahil sa kagutuman at lamig ng kalsada. Habang tayo'y nagpaplano ng kasiyahan. Habang tayo ay nasa loob ng kapilya na matimtimang nag aantay para matapos ang pananambahan, marami ang nag iisip kung saan kukuha ng pagkain. 

Sana naman tayo ay magising. Nawa pagkakababa ng ating mga kamay buhat sa pagsamba tayo ay dumukot sa ating mga bulsa para sa mga taong nangangailangan.