Pages:

Friday, April 8, 2011

Paano Kinukuha ng Diyos Ang Ating Atensyon

Texto: Deuteronomio 1:42-44

Ang pito (whistle blower) ay sadyang inimbento upang umagaw ng atensyon. Ang tunog nito'y ginagamit sa pagsita sa mga pasaway, o sa pagbibigay ng mga senyales (halimbawa, sa mga larong isports). Karaniwan itong ginagamit ng mga pulis, traffic enforcer, at mga sports referee. Ang tunog ng pito ay senyales upang tayo'y tumigil at upang alamin kung bakit ito sinipol.

Paano ba kinukuha ng Diyos ang ating atensyon? Minsan inaalis niya sa atin ang mga bagay na pinaglalaanan natin ng lubos na pagpapahalaga. May mga pagkakataon na ginagamit niya ang ibang tao upang tulungan tayong maunawaan ang anumang nais niyang sabihin sa atin. Ang pagpapala rin ay ginagamit ng Diyos upang kunin ang ating atensyon (Rom. 2:4). Sa mga pagkakataong ganito, dapat tayong tumigil, manalangin, at itanong sa Diyos, "Panginoon, mayroon ka bang nais sabihin sa akin?"

Minsan ay pinahihintulutan ng Diyos na manatiling walang kasagutan ang ating mga panalangin upang nang sa gayon ay maging mas pokus tayo sa kanya. Maaari rin niyang hindian ang ating mga petisyon upang makuha niya ang ating atensyon. Ang mga kalumbayan, kahirapan, at pagkabigo ay ginagamit din niya sa gano'ng layunin. Ngunit kung tayo'y sensitibo, daglian natin siyang hahanapin. Sa mga trahedya, krisis pang-pinansyal, at problemang pangkalusugan, hinihintay lamang tayo ng Diyos upang itanong sa kanya, "Diyos ko, kinakausap mo ba ako?"

Dapat nating ibigay sa Diyos ang ating hindi nahahating atensyon, ngunit kadalasan ay abala tayo sa ibang mga bagay. Siya'y naghihintay lamang upang kausapin natin siya, subalit mas abala pa tayo sa mga bagay na ating tinatangkilik. Kaya naman, maging sensitibo tayo palagi sa pagsipol na ginagawa ng Diyos upang makuha ang ating atensyon. Tanggapin nating maluwag sa ating kalooban ang lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay--negatibo man o positibo--sapagkat ang bawat bagay ay "gumagawang magkakalakip sa ikabubuti ng mga taong nagsisiibig sa Diyos" (Rom. 8:28). Sa bawat pagkakataon ay mayroong nais ituro sa atin ang Diyos, at dapat natin itong tuklasin.

-Jeph

No comments:

Post a Comment

Commenting Rules:

1. No trolling or baiting; submit relevant responses to appropriate blog-posts.
2. No name calling, bashing, flaming or posting of any ad hominems or personal attacks or insults of any kind
3. No spamming, advertising or soliciting.
4. No littering in the comment-box (multi-posting or cross-posting).
5. No blasphemous post and no links to occultic and cultic materials and immoral sites.
6. No negative one-liners.
7. No impersonating
8. No heckling; harrassments
9. No posting in all caps; no posting in all bold letters
10. If you're posting Anonymously, please provide a name so you can be addressed properly.

*All mature, sensible, and honest comments are welcome and encouraged. Comments will be filtered by the blog-owner before granting them to be published.