Pages:

Monday, December 20, 2010

Kamusta Ang Puso Mo?

"Kayong mga mapagpaimbabaw, mabuti ang pagkahula sa inyo ni Isaias, na nagsasabi, Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kanilang mga labi; Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin" (Mat. 15:7-8, TAB).

Mga 2 taon na ang nakakaraan ay binigyan ako ng tiyahin ko ng isang magandang relos na medyo may kamahalan. Luma na ito, ngunit mukha parin namang bago at maayos. Nang inabot sa akin ang magandang relos, nagpasalamat ako at agad itong isinuot sa aking kamay. Ngunit napansin kong hindi gumagana ang relos. Ang sabi sa'kin ng tiyahin ko, baka baterya lang ang problema. Bumili ako ng baterya para naman magamit ko nang kaagad ang magandang relos na ito. Nang mapalitan ko na ang baterya, hindi parin ito gumana. Hindi na ako nagtaka. Walang duda na ang problema nito'y hindi ang baterya, kundi ang piyesang nasa loob nito.

"Marami" (hindi ko po sinasabing lahat) sa mga nagpapakilalang 'Cristiano' ngayon ay katulad ng relos na ito. Sa labas ay mukha namang maayos at walang sira: relihiyoso, aktibo sa mga gawain ng simbahan, ngunit ang totoo'y hindi sila nakapagbibigay-lugod sa Diyos. Mayroon silang depekto na hindi nakikita ng mata ng tao, at ang depektong ito'y nasa kanilang mga PUSO.

Hindi ko maaaring ituro sa pamamagitan ng aking mga daliri kung sino ang tunay na naglilingkod sa Diyos, at kung sino ang nagpapakitang-tao lamang. Ito ay sapagkat hindi ko naman talos ang nilalaman ng puso ng aking kapuwa. (Sa katunayan, maging si Satanas ay wala ring kakayahang bumasa ng puso ng tao! - 2 Chro. 6:30). Ngunit isang bagay ang nasisiguro ko: maraming nagaangking Crisitano ngayon ang nalilinlang ng sarili nilang puso (Jer. 17:9). Inaakala nilang sila'y ligtas na, ngunit ang totoo'y alipin parin sila ng kasalanan. Gayunpaman, "nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya", at hindi kayang linlangin ng sinuman ang Diyos (2 Tim. 2:19, Ibid.).

Kamusta ngayon ang puso mo? Sino ang nakaupo ngayon sa trono ng iyong puso? Ang sarili mo? o si Cristo? Siyasatin mo ang iyong puso: "Suriin ninyo ang inyong sarili kung kayo ay nasa pananampalataya, subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo kinikilala ang inyong sarili, na si Cristo ay nasa inyo, maliban na lang kung kayo ay mga itinakwil?" (2 Cor. 13:5, Ang Salita ng Diyos).

Kung hindi ka pa nakatitiyak sa iyong sariling Kaligtasan at nais mo itong malaman ngayon, basahin mo ito.

-Jeph

1 comment:

  1. hindi ko alam kasi there is a struggle pa rin of self seeking, demands and insecurities..but my desire was to be under His will..to be at His mercy and to be under His grace..

    ReplyDelete

Commenting Rules:

1. No trolling or baiting; submit relevant responses to appropriate blog-posts.
2. No name calling, bashing, flaming or posting of any ad hominems or personal attacks or insults of any kind
3. No spamming, advertising or soliciting.
4. No littering in the comment-box (multi-posting or cross-posting).
5. No blasphemous post and no links to occultic and cultic materials and immoral sites.
6. No negative one-liners.
7. No impersonating
8. No heckling; harrassments
9. No posting in all caps; no posting in all bold letters
10. If you're posting Anonymously, please provide a name so you can be addressed properly.

*All mature, sensible, and honest comments are welcome and encouraged. Comments will be filtered by the blog-owner before granting them to be published.